Ten months ago.
"Hays, late na naman ako," kastigo ni Claire sa sarili habang papasok sa elevator.
She pummeled the button for the fifteenth floor until the doors finally closed and she felt the elevator begin to move.
"Kung mamalasin nga naman oh," dagdag niya habang inilagay ang hawak-hawak na cellphone sa pagitan ng kanyang mga labi at inayos ang itim na bag sa kanyang balikat at dala dalang brown envelope.
She then curled her long, dark hair up into a bun, teasing errant strands until she could get a hair tie around all of it to hold it in place. Sa oras na natapos siya, ang elevator naman ay nag-ping, nagpapahiwatig ng kanyang pagdating sa fifteenth floor at bumukas na ang pintuan.
Lumabas si Claire sa lobby area, habang panay pa rin ang kastigo sa sarili, inayos niya ang kanyang puting blusa sa baywang ng kanyang palda, habang napapamura dahil sa hindi niya na set sa tamang oras ang alarm clock.
Inilagay niya ang cellphone sa bag at niyakap ang envelope. Inayos ang salamin sa mata, at palinga-linga siya sa paligid para sa mga nagmamasid na mga tsismosang kasamahan.
However, the clock told her she was one hour and ten minutes late, again.
Itinulak niya ang glass door sa harap ng mahabang mesang okupado ng reception area sa VIP lounge at umasa na late rin ang kanyang among half-british, half-pinoy na CEO ng Watson Fortune Inc. Luke Shawn Watson. One of the most successful eligible bachelors in the country at the age of thirty years old. Lumaki sa London, tagapagmana ng multi-billion fortune ng pamilya nitong nagmamay-ari ng mga hotels at supermarkets sa buong bansa.
"Good morning, Alena." Ani Claire sa kasamaan habang panay punas sa palda niyang nagugusot.
Alena, the receptionist, looked up from her desk as Claire stumbled into the office. "Morning too. Hala ka! Late ka na naman, girl." Anitong pailing-iling habang hawak-hawak ang telepono. "Dalian mo kaya, lagot ka na naman kay amo."
"Hays, huwag ka ngang maingay, masyado kang halata eh, andiyan na ba si Luci?" anitong inayos-ayos ang blusa, "Late ang bus eh, ang traffic pa sa Edsa."
"Who is Luci?" tanong ng isang baritong boses sa likuran niya na alam niyang sa amo.
Napahinto si Claire.
Sh*t! Huli na naman siya ni sir Luke. Lumingon na lang siya rito at pilit na ngumiti.
Ito na naman ang magpapasira ng buong araw niya.
"Again, I'm asking you, Miss Garcia, who is Luci?" Tanong nito uli habang nataranta namang kunwaring nabusy si Alena sa computer at sa mga papeles sa mahabang mesa nito.
Nakamasid naman si Luke sa mukha ni Claire, habang parang gusto niyang mangiwi.
Napakagat labi na lang ang huli dahil sa tono ng among gusto na yata siyang ipain sa mga zombie, tiyak wala na naman sa mood ang dyablo.
"Ay—ah! Ano po, good morning po, sir Luke. Um—si Luci po, yung—ah pusang alaga ni mang Tyson, —ung head po ng security department sa ground floor," napangiwi siya sa kasinungalingang alam niyang pagsisihan niya mamaya.
Kung alam lang nitong kumag na to na siya ang tinatawag nilang Luci, shortcut ng Lucifer, may-ari ng impyerno, boss ng kasamaan, at sama ng ugali. Pinangalanan niya itong Luci dahil lagi itong wala sa mood at laging galit sa mundo, hanggang lahat ng VIP department employee ay Luci na rin ang pasekretong tawag nila sa batang gwapong CEO.
"I see, so was the other bus late?" her boss replied smoothly.
"Um, which one, po?"
"The one that leaves three minutes before. Or indeed, the one that leaves three minutes before that? I hear they're quite regular." Pahabang saad naman ni Luke na alam niyang hinuhuli lang siya sa kanyang halatang pagsisinungaling.
Napahinto naman si Claire sa paglalakad, habang dumaretso naman ang amo sa malaking pintuan pakanan.
Claire came to a halt in front of the receptionist's long desk, looking down at Alena’s hands.
Nakamasid naman si Alena sa kanya, habang pinadilatan niya ito ng mata.
"Ayah kasi, di ka nag alarm," anitong sinabayan pa ng maliit na tawa.
Pabulyaw namang nagsalita si Luke habang binubuksan nito ang pintuan ng sariling opisina, "You know what, Miss Garcia? It could be that the issue is you not being there at the bus stop to get on the bus when they depart."
Ramdam ni Claire na nakatingin sa kanya si Alena habang inihahanda ang sarili sa susunod na sasabihin ng amo.
Huminto naman si Luke at sumigaw, "What are you waiting for?! Pumasok kana rito. I need a coffee. Now!"
Nataranta namang inilagay ni Claire ang bag niya sa sariling desk na nasa tabi ng pintuan ng opisina ni Luke at sinundan niya na ang boss sa loob. Pagkapasok, nakita niyang hinubad ni Luke ang amerikanang suot at isinabit sa paglagyang stand nito. Umupo ito sa mesa at nagsalitang muli. "You remember we talked about this, don't you? I need an assistant who's here when I arrive, not here at some indeterminate point in time afterwards."
"Sorry, sir," Claire shrugged, studying her shoes. "Kukuha pa po ba ako ng coffee nyo, or I'll wait until you're done scolding me?" Pilosopong sagot naman niya.
Nainis siya rito, day off niya dapat ngayon, pero tumawag ito ng madaling araw at pinapapasok siya ng opisina.
Luke sighed na para bang nauubusan na ito ng pasensya.
She heard her boss get up from his chair, and Claire looked up.
Luke circled the desk and sat down on the front, his long legs crossed, tugging his dark, sleek trousers to avoid wrinkles. "Dala mo ba ang mga papeles na kailangan ko today?" tanong nito.
"Opo, sir," Claire wanted to roll her eyes; she knew it was his technique to make her uncomfortable, pero yun nga lang sa halos sa limang taon niyang pagtatrabaho dito, hindi na ito bago sa kanya, unlike nung unang taon niya na halos nanginginig siya tuwing nakakunot ang noo nito at nakatitig sa mga mata niya.
Siguro sanay na siya sa ugali nitong parang manok na hindi nakakaitlog sa oras. Para itong matandang dalagang hindi nadidiligan. Laging galit na para bang laging may problema sa buhay, laging nakakunot ang noo at hindi marunong tumawa or mag smile man lang. Minsan, mabait naman ang kumag, pero minsan lang yun ha. Sa tagal tagal niyang paninilbihan dito, alam niya na ang ugali nito mula ulo hanggang paa. Alam niya ang lahat lahat dito, na halos kahit nakapikit ang mga mata niya, alam niyang kaya niyang pagsilbihan ito. At kaya niya ring inisin ito. After all, she was not only his secretary. She was his maid, his slave, his mother, his sister, his driver and security guard, and etc, etc.
She knew everything about this man, inside and out.
Sabagay, ika nga ng mga kasamahan niyang empleyedo, siya lang ang nakakatagal sa ugali nito dahil kung minsan, pag sinabi nitong gusto nito ng tsa, depende sa mood nito, alam niyang kape talaga ang gusto nitong inumin. Ika nga ng iba, para siyang may third eye dahil kuhang kuha niya ang mood ng among wala ng ginawa kundi magtrabaho at magkipag date sa mga lahi ni eva. Hindi naman nakakapagtataka ito dahil may karapatan naman itong maging playboy of the century dahil hindi lang ito gwapo at mayaman, talagang may ipagyayabang din ang tindig nitong parang isang modelo. Yun nga lang, para lang itong nagbihis ng damit kung makapalit ng girlfriend.
Speaking of girlfriends, parang alam niya na yata kung bakit wala ito sa mood, nabalitaan niyang ikakasal na ang childhood sweetheart nito sa makalawa at imbitado ito. Good for him.
But right now, Luke appeared so intimaditing with his pale, expensive shirt and blue tie, and Claire couldn’t deny that the man was indeed very handsome. Yun bang timong nakakalaglag panty sa kagwapuhan. He was tall, lean, and macho, with blonde hair na parang ang lambot-lambot hawak- hawakan, and she was damn aware of how attractive he was. She couldn’t deny it. The man had the charisma of a Greek god.
In fact, meron pa itong personal trainer who kept him in excellent condition, toned and supple.
Kung hindi nga lang ito kasing demonyo ni Lucifer, baka hanggang ngayon crush niya pa rin ito, eh. Ngunit may mga bagay talagang hindi nagtatagal kasi nung unang ilang buwan niya rito, halos di siya mapatingin sa amo dahil nanginginig siya tuwing tumitig ito sa kanya. Yun bang parang nakakatunaw na titig, ngunit simula nung nalaman nitong may crush siya rito, bigla itong naging masungit sa kanya at sinabihan pa siyang, kailangan niyang ihinto ang pagkagusto niya rito kung gusto niya pang magtrabaho dahil ayaw na ayaw daw nitong ma-involve sa isang empleyado lalo na sa kagaya niyang sekretarya lamang.
The nerve of the man. But he had the point. It was foolish to like him, dahil alam niyang hindi tatagal ang working relationship nila kung lagi siyang kinikilig at nanginginig tuwing nakatitig ito sa kanya.
Of course, Luke made her promise not to get herself hooked up with her foolish feelings. At simula nun, pinigilan niya na ang sarili, pinilit kalimutan ang kahibangan and nag-focus na lang sa paglilingkod dito bilang sekretarya.
Nagtagumpay naman siya dahil, ngayon, nakakatingin na siya sa mga mata nito ng deretso ng walang halong malisya or whatsoever, pwera na lang sa pakakataong gusto niya itong bitaying patiwarik o gusto niyang ipakulam sa lola niya or yung pagkakataon na gusto niya itong ipakain sa mga buwaya.
"Are you trying to test my patience, Miss Garcia?" sagot nito sa tanong niya.
Napangiwi naman si Claire.
"Hindi po sir, I’m just asking if you want me to get the coffee now or later—when you're done with your morning word of wisdom." Pilosopong sagot niyang muli na nagpapasingkit sa mga mata ng amo.
"You are driving me crazy, kaaga aga, iniinis mo ako," anitong halatang slang na slang ang pagtatagalog.
Nakatingin naman si Claire rito, habang blanko ang emosyon.
Well practiced—ikanga, sinanay niya ang sarili upang hindi mabasa ni Luke ang kanyang iniisip.
Napahalukipkip si Luke at bumuntong hininga.
"Okay, get me some coffee now. Make it quick. We have something to discuss."
"Okay po, sir Luke," saad ni Claire at sinabayan niya ito ng irap, tumalikod na at lumabas sa opisina ng among nakakunot noo.
Napabuntong hininga na naman si Luke at bumalik na sa upuan nito at sinimulang tingnan ang mga papeles na nasa mesa.
Ilang minuto pa ang nakalipas, dala-dala na ni Claire ang isang tasang kape at inilapag ito sa mesa ng amo.
"Here’s your coffee, sir."
"So did you think about it?"
"About what, sir?"
"About the session."
"Sir Luke naman, kailangan ko pa bang pumunta sa specialist para lang makatulog ng maayos?" Tanong niya habang nakatayo sa harap ng mesa ng amo niyang iniinom na ang kape.
Noong isang linggo pa ito nag pa-schedule sa isang sleep specialist, para anitong mabigyan ng lunas ang insomia niyang matagal na rin niyang iniinda.
Nung isang linggo lang din nito nalaman na hindi siya makatulog ng maayos nung dalawang oras siyang na-late sa pagpasok sa trabaho. Nawalan siya ng irarason dito kung kaya sinabi niya na lang ang totoo, —yun nga lang, nag-suggest itong kailangan niyang magpatingin sa specialista.
"I think we'll try something else. Here, take this," anitong may inaabot na business card.
"What is that?"
"Business card, in fact, I have arranged for him to come here so you can make a session here later."
Napataas kilay naman siya.
"Well, take it, Miss Garcia."
Kinuha naman ni Claire ang card at binasa nito ang pangalang nakasulat.
"Doctor Sebastian?"
"Yes. He is my uncle. Mother side." Saad nitong, humigop ng kape uli. "He's a sleep specialist. A friend of mine too. His focus is on, uh, how can I put this?" Luke waved a hand and said, "Lack of focus and lack of sleep."
"Lack of focus?" Tanong niya, ano na naman itong pinagsasabi ng kumag? lack of focus daw?
Lack of sleep siguro pwede pa dahil totoo namang hindi siya nakakatulog ng maayos.
Sino ba naman ang makakatulog ng maayos eh, halos oras-oras itong tumatawag sa kanya kahit kalahating gabi o madaling araw. Magtatanong ng kung ano ano.
Tulad na lang kagabi, tumawag ito ng ala dos ng madaling araw, tinanong siya kung ano raw ang scientific name ng asukal. Anitong, may kadate itong Sweet ang pangalan, gusto anitong magpa-impress.
Who does that?
Dios ko! Nakaka-highblood.
Hays!
Tumaas na naman ang kilay ni Luke bago nagsalitang muli, "Yes. Miss Garcia. Your tardiness hasn't improved even though you're allegedly getting up earlier, so I have to conclude your time management skills rather than your bedtime are the issue here."
Claire turned the card over in her hands, feeling lost for words.
Anong management skills ka diyan? May kulang pa ba sa management skills niya eh, halos dito na nga siya nakatira sa opisina o the opposite dahil ang sarili niyang maliit na apartment ay parang opisina na rin ni Luke dahil sa pagpasok pa lang sa sala, nagkalat na ang mga papeles, mga schedule, calendars, ledgers ng amo. Including a spare of his suit, shoes, shirt, even his favorite coffee and snack, in case na magmamaktol ito or bigla itong mag-request ng mga bagay bagay na laging hinahanap nito. Kahit nga ekstrang toothbrush at mouthwash ay meron siya sa bahay para lang lagi siyang handa kung maghahanap ito. Siguro nga, may pagka-exaggeration na rin ang palagiang pagiging handa niya, pero ayaw niya kasing maulit pa na mainis ito sa kanya at mapapagalitan siya ng bongang-bonga dahil lang sa meron itong mga bagay na ni-rerequest at hindi niya kaagad nagagawan ng paraang ipagkaloob sa amo.
Napaismid na lang siya sa naisip bago nagsalita, "Ok, sir, you are the boss. Uh, when should I go see this doctor?"
Luke smiled and looked over Claire's shoulder. "He's coming here."
"Ano? Sir Luke naman, ang dami kung gagawin ngayon kahit ‘Day Off’ ko remember?" pandidiin niya sa salitang day off, "I don't have time for that doctor. If what you say is true, na kailangan nating tapusin ang kontrata ng mga Korean sa araw na ito, wala akong panahong—"
"He is here already," blankong sagot naman ng boss niyang napatayo bigla na ikinagulat naman niya. "He can help you, Miss Garcia. No alibi is needed."
Nakasimangot naman siyang nagmamaktol na nilingon ang tingin nito.
Claire turned. Through the glass door of the office, she had a view of the elevators. The doors had just opened, allowing a nondescript middle-aged man in a dark jacket and pants to step out.
"He's directly on time, you'll notice. I called him when I saw you weren't at work yet. He was good enough to come straight over," pa slang na saad ng amo.
The old man made his way to the glass door, and Luke waved him in.
"Meeting room one is booked out for the both of you for the next two hours. Off you go."
"Pero, sir Luke—"
"Miss Garcia, you need to do this... Your insomnia is not doing us any good. We both know that you need this session. I need you to be alert and not half-dead."
Hays! Kung makahalf-dead, siya nga itong may kaluluwa ng dyablo. Patay na kaluluwa.
Nakakainis naman oh! Maktol niya sa sarili.
"What to do, you’re the boss," diin niya habang palabas ng pintuan, hindi niya na nilingon ang among nakakunot noo.
Bakit ba ito concern na concern sa tulog niya? Tanong niya sa sarili bago napatingin sa dekorasyong bilog na salamin ng reception hall. Ang nakita nyang repleksyon dun ay isang babaeng kasing laki ng mapa ng pilipinas ang eyebags at kasing stress ng kapitbahay niyang tsismosa ang mukha. Napabuntong hininga na lang siya at napapikit. "Good heavens, I surely look dead."
Nakaka-stress talagang maging sekretarya ni Luci.
SettingsX | ||||||||||
|