My Wife Is A Sperm Thief
—Written by KL
ENJOY READING SPERMIEEEEES!
ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW
"Zie, sorry ulit kung na offend kita kanina sa van," mahinhing sabi ni Milih, napabuntong hininga ako saka tumayo sa kama at nilapitan siya.
"Home many times do I have to tell you na hindi ako offended? Milih, ayaw kitang pag taasan ng boses hanggat maari sa totoo lang. Pero kung patuloy kang mag so-sorry ng dahil lamang sa bagay na 'yan baka hindi lang sigaw ang magawa ko," seryoso kong sambit at nilagpasan siya, nag tungo ako sa veranda ng hotel room namin at nag muni muni.
I hate it when people keep aplogizing, lalo na at sinabi ko na na hindi kailangan ang sorry nila.
Para bang may magagawa yung sorry nila na iyon, like heck.
"Fvck, I hate being a Kalperon!!" inis kong sigaw, napansin kong napaingon sa 'kin si Milih ngunit hindi rin ako pinansin. Mas mabutina iyon dahil itutulak ko lamang siya palayo.
"Ate? Why did you leave me? Bakit? Ate Zein kaylangan kita ngayon, kaylangan kita...." nakayuko kong sambit, unti unting tumulo ang mga luhang kanina pa nag babadya sa pag tulo mula sa aking mga mata.
"Bakit kung kailan kita kailangan tsaka ka wala? Bakit mo 'ko iniwan? Pashnea naman Ate Zepharan Inrie, nang iiwan ka eh. Hindi mo pa nga natutupad ang pangako mo sa 'kin na ipapakilala mo ako sa kaibigan mong piloto," mapait 'kong sambit, napa hagulgol ako ng maala ang masasaya naming ala-ala ni Ate Zein.
"Bakit ka umalis? Alam mo bang sa pag alis mo ako ang sinisisi ng lahat? Pakiramdam ko lahat ng tao sa mundo kinamumuhian ako."
Pakiramdam ko lahat ng kasalanan sa mundo sa 'kin ibinag sak ng mundo. Akala b anila ay madali sa 'kin ang pag kawala ni ate? Ilang taon na ang nkakaraan pero bakit hindi pa rin nag hihilom? Siguro ay dahil tuwing nakikita ko ang sarili ko mas lalong dumodoble ang sakit na nararamdaman ko. Na isipan ko na nga ring mag pakamatay ngunit naisip ko na hindi ako tanga at wala ako sa posisyon upang tapusin ang buhay na hiniram ko lang naman.
"Azsi..." mahina kong bulong sa aking sarili.
Si Azsi ay kababata kong lalaki, na alala kong pinangakuan namin ang isa't isa noong mga bata pa kami na pakakasalan namin ang isa't isa. Ngunit sa tingin ko ay ala-ala na lamang iyon.
Umalis kasi ang kanilang pamilya at nanirahan sa America sa matagal na panahon, balita ko ay naka uwi na sila sa pilipinas ngunit mukhang hindi na rin naman na niya ako nakikila.
Ang kapal naman ng mukha ko kung ako pa ang hahanap sa kaniya, hindi ba? Kaya hinayaan ko na lamang.
“'Ni hindi ko nga alam ang totoo n'yang pangalan eh, ano ka ba naman Ziella Marie? Umaasa ka pa rin? Ibang klase talaga ang pag ka desperada mo,” mapait kong sambit sa sarili.
"Kahit pa makita mo siya at makilala ka niya, alam mong galit siya sa mahihirap at dukha. Wala ka ng pera ngayon, sinasaktan mo lamang ang sarili mo," lumuluha ng bulong ko sa ing sarili. Nababaliw na yata ako bakit ko pa ba kasi na alala si Azsi eh si Ate Zein ang bida sa monologue ko kanina.
Basta lalaki Ziella Marie,
***
ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW
“Uhm... Zie, ”
Kuno't noo kong idinilat ang aking nga mata ng sa pang apa't napong beses na pag gising sa akin ng tinig na iyon.
Nasilayan ko ang angelic na mukha ni Milih kaya naman sinampal ko siya ng malakas hanggang sa dumugo ang mukha n'ya— charot!
“Bakit?” kuno't noo at naniningkit ang mga mata kong tanong, napakamot siya sa batok at umayos ng tayo.
“Ano kasi, ang sabi ni Captain gisingin daw kita kasi sabay kayong kakain sa room n'ya,” kamo't batok niyang sagot, mas lalo lamang nitong napa kuno't ang noo ko.
Ano na naman kaya ang trip ng lalaking iyon? May part sa'kin na gusto ng mag madaling tumayo pero may part sa'kin na ayaw ipahalatang na e-excite ako lalo na at nasa harapan ko pa si Milih.
“Sige salamat,” walang gana kong sambit at saka tumayo na sa kama at nag tungo sa bathroom upang gawin ang morning routine ko. Ang maligo ng isang oras— dejok.
Nag toothbrush at hilamos lamang ako at saka nag tungo sa closet upang mag palit sana ng pantulog ngunit half way na isipan kong 'wag nalang kasi maganda naman ako at mas sexy tingnan sa pantulog. Hindi ko sinasabing aakitin ko s'ya ah.
Hindi talaga pramis.
Nakangisi akong lumabas ng hotel room namin ni Milih at nag tungo sa Room Number na nakasulat sa papel na iniwanan ni Milih sa kama.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay tumayo ako na para bang bagong gising lang at nag bored look bago kumatol sa pinto.
*PLOK*PLOK*
(A/N: Hanep yung tunog ng katok 'no? Parang ano lang...)
“Captain.”
Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng mga yapak na patungo sa pinto, nanlalaki ang mga mata kong nag iwas ng tingin ng masulyapan ang katawan niyang nakatapis lamang ng buksan niya ang pinto— 'de charot lang hindi ako nag iwas ng tingin, tinaasan ko lamang siya ng kilay habang nakangisi itong naka tingin sa'kin.
“Anong trip mo? Ikaw ba almusal ko? P'wede naman,” taas kilay kong sambit, mas lalo nitong napalaki ang ngisi niya. Ngising aso na naman si gag*.
“Ang laki talaga ng pag papantasya mo sa akin 'no? Kakaiba ka talaga Ziella,” napapa-iling nitong sambit, napangiwi ako bago tinabig ang kamay niyang naka harang papasok ng pinto. Nangngawit na kaya ako duh!
“Kakaiba talaga ako, lalo na pag gutom at puyat ako. Kapag hindi mo ako nilubayan sa pang aasar mo baka ikaw pa ang kainin ko,” derederetso kong sambit bago tuloy tuloy na na-upo sa sofa.
Makapal talaga mukha, wala namang manipis na mukha.
“Maupo ka muna d'yan mag bibihis lang ako saglit,” rinig ko pang usal niya bago nag tuloy sa loob ng kwarto para mag-bihis.
“Kahit 'wag ka ng mag-bihis,” pairap kong bulong sa sarili.
Habang hinihintay ang damn fvckin hell pashneang captain na si Sinon inilibot ko ang malilimot at magaganda kong mga mata sa palibot ng kwarto n'ya o nila kung may kasama man siya dito. Mas malaki iyon kumpara sa inookopa namin, mas maganda ang interior, mas maraming furniture, mas malaki ang t.v, at iba pa. Inshort mas mahal.
Ang bias naman ng TSA, porque anak nila eh.
Napairap na lamang ako sa hangin, kung ano ano na naiisip ko. Hindi na normal 'to. Sa tingin ko kulang ako sa dilig mukhang kaylangan ko ng madiligan, choss.
“Heck, ayaw kong isiping baliw ka pero baliw ka na talaga.”
Nagulantang ako ng bigla na lamang may mag salita sa harapan ko, sinamaan ko ng tingin ang pashneang si Sinon.
“Pashnea, anong trip mo?” pairap kong sambit, natawa lamang siya at nag yaya na sa kusina.
Wala man lang ka gentle gentle, nauna pa s'yang mag lakad patungo sa kusina. Minus points na s'ya sa'kin.
Napahinto ako saglit ng makarating sa entrada ng dining, ampotchi andaming puds mga dzai.
“Wew,”
“Have a sit, 'wag mong asahang ipag tutulak kita ng upuan.”
Napairap ako sa hangin at sarkastikong tumawa.
“Amfee. Ul*l mamatay na nag tanong.”
Inis kong sabi at nag tungo na sa lamesa at nag hatak ng silya upang ma-upuan.
“Ngayon ka lang naka kita ng mamahaling pagkain? Well, kung matutuloy ang kasal araw araw kang makatitikim ng ganitong pagkain. Kaya mas maging desperada ka pang akitin ako Ziella, baka sakaling patulan kita.”
Napahinto ako sa akmang pagkuha sana ng salmon, nag init bigla ang ulo ko at hindi sinasadyang naibato sa kaniya ang tinidor na hawak ko mabuti na lamang at naiwasan niya iyon. Kuno't noo niya akong tinitigan habang ako naman ay nananatiling nakababa ang tingin sa platong nasa harap ko.
Isang salita pa niya siguradong mag di-dilim na ang paningin ko at hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ito.
“Wow. Just fvckin' hell damn wow Sinon, sa tingin mo gusto ko ang makasal sa isang katulad mo? Eww! Mahiya ka nga sa mga pinag sasabi mo,” sarkastiko kong sambit, unti unti kong iniangat ang paningin ko sa kaniya. I saw how amaze his face is ng makita kung gaano ka dilim ang mga mata ko. “Ikaw? Ikaw na mayaman nga ngunit hindi naturuan ng magandang asal, ikaw na sa tanda mong iyan ni hindi mo alam ang pinag kaiba ng breakfast sa dinner. Ikaw na nakapag aral ng piloto pero ang pag sasaing ay hindi napag aralan. Sa tingin mo magugustuhan ko ang isang katulad mo? Kahit gaano ka pa ka gwapo at ka yaman Sinon, kung ganiyan ang ugali mo sa tingin mo may mag mamahal sa iyo? Kailan man hinding hindi ako mag kakagusto sa isang tulad mo.”
“Hindi ko sinabing gusto mo ako, alam ko iyon. Alam ko rin na ang pera ko ang gusto mo, hindi mo man aminin pero iyon ang katotohanan. Dahil kayong mahihirap desperada kayo pag pera na ang usapan,” madilim ang mga mata nitong sambit, hindi na ako nakapag timpi pa at sinapak ko siya. Natumba ang upuang kinauupuan niya kasama siya.
“Sa kama lang ako desperada Mr.Lekarpon, pero kailan man hinding hindi ko gugustuhing makatanggap ng perang galing sa pamilya mo. 'Wag kang umastang kilala mo lahat ng tao sa mundo,” nanlilisik ang mga mata kong sambit, todo ang pag pipigil ko sa mga luhang nais nang tumulo.
“'Wag mo akong patawanin Ziella, dahil una palang binayaran na ni daddy ang pamilya mo kasama na ang tatay at nanay mong mga mukhang pera—” napatigil siya sa pag sasalita ng pa ulit ulit ko siyang sinuntok sa mukha, gigil na gigil akong dumagan sa kaniya at pinaulanan siya ng suntok hanggang sa mapagod ako.
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya bago tuluyang umalis sa pag kakapatong sa kaniya.
“Insultuhin mo na ako at lahat, 'wag lang ang nanay ko. Eh kung insultuhin ko ba iyang nanay mong gold digger? Makapag titimpi ka ba kahit na babae ako?” galit na galit at gigil na gigil kong usal bago tuluyang nilisan ang silid na iyon. Dali dali akong nag tungo sa sariling silid at ini-lock iyon, good thing wala do'n si Milih.
Umiyak lamang ako ng umiyak hanggang hindi na kinaya ng katawan ko at tuluyang nakatulog.
MAG- aalas diyes ng umaga ng gisingin ako ni Milih para mag handa na upang maka-balik sa pilipinas. Tinanguan ko lamang siya, napansin ko rin ang pag sulyap niya sa mugtong mugto kong mga mata ngunit good thing lang at hindi siya nag tanong o nag usisa pa tungkol ro'n.
Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Sinon. Hindi ko alam kung mahihiya ako o baka mapatay ko na siya.
Pero ansakit, ansakit kasi kahit gaano ka sakit ang mga binitawan niyang salita ganoon na lamang kabilis nawala ang galit ko towards him. Sobrang inis ko sa sarili ko dahil gustong gusto kong magalit sa kaniya pero kahit anong gawin ko mas lalo lamang na-huhulog ang loob ko.
Napaka desperada ko na ba? Tama siyang desperada akong akitin s'ya dahil nag babakasa kaling ma-suklian niya ang nararamdaman ko towards him.
Pero kailan man hindi ko matatanggap ang mga salitang binitawan niya patukoy sa mga mahihirap o dukha. Kasi hindi lang ako ang ininsulto niya. Hindi lang ako ang mahirap sa mundo kaya alam kong hindi lang ako ang masasaktan kung sa kaling may iba pang maka rinig niyon o ng mga salitang iyon.
Gusto kong ipa realize sa kaniya ang mali niya pero paano? Kung ako mismo ang vice president ng mga marurupok?
Vice lang ako kasi si Jasper Jean Mariano ang president ng marurupok. Spell marupok, J.A.Y.J.A.Y (Ang mutya ng Section E by Eatmore2behappy)
Balik sa monologue, sa time na ito hindi ko na alam kung sino pa ang sisisihin ko, hindi ko naman p'wedeng sisihin ang sarili ko. Ang magaganda hindi sinisisi ang sarili nila.
Jusmeyo marimar Ziella Marie, romcom 'tong storya mo bakit nagiging drama na?
Pashneang Doggie...
***
— KL
SettingsX | ||||||||||
|