The Five Stages Of
By Zeus
Date: January 16, 2022
Ch. 4The Past


The story behind their past

ROJO

15 years ago nakilala ko si Lay Gavvin nang magbakasyon kami ng parents ko sa Greece. Pareho pa kaming mga bata nun kaya madali lang kaming nagkasundo at surprisingly, kilala ko ang mga magulang niya dahil kaibigan din sila ng kuya ko.

"Dude sino ba talaga yung Lay Gavvin na yun? Bakit parang pinag-iinitan ka palagi?" Tanong ni Jickell habang tinu-tune up yung gitara niya.

"Oo nga man, he looks weird and dangerous. Did something happen in the past between you two?" Mahinahong tanong naman ni Arquell habang sine-set up ang drums.

"I can sense a rivalry between the both of you." Seryosong wika ni Deo Jamie kahit busy siya sa bass.

Napailing nalang ako sabay buntong hininga. Mahaba-mabahang kwentuhan to, bili kayo ng san mig? De joke lang.

"Ganito kasi yun..." Pagsisimula ko sa kanila.

Nagsimula talaga ang di pagkakainitindihan namin nung lumipat ako sa school niya nung high school. Noong una masaya pa kaming dalawa hanggang sa bigla nalang siyang nagbago dahil natalo ko siya sa isang contest.

Doon napansin ko na parang lumalayo na siya sa akin kaya palagi ko siyang sinusuyo at tinatanong kung may problema ba. Hanggang sa mag-grade 10 kami, palagi na kaming magkalaban sa mga contest kahit na parehas lang ang school namin.

Di niya ako pinapansin sa school at palagi din niya akong pinagt-trippan, pinagbabantaan pa nga minsan. Noon kasi, para akong wimp. Sa aming dalawa ako yung nerdy at patpatin, wala din ako masyadong kaibigan kahit na sumisikat na ako academically. Pero nag-iiba ang ugali niya sa tuwing bumibisita siya sa bahay at ako naman sa kanila. Para siyang nagiging anghel sa mata ng mga tao kaya kahit ilang ulit ko ng sabihin kina mama at papa ang ginagawa niyang pambubully sa akin di sila naniniwala dahil mabait na Lay ang kaharap nila.

At ako palagi ang nababaliktad sa bahay.

But then there was this girl na bagong transfer sa school. Maganda talaga siya at oo, nagk-crush din ako sa kanya noon pero hindi ako gumawa ng hakbang para mapansin niya. Sino ba naman ako?

After a few months nabalitaan ko nalang na sila ni Lay. Syempre, kaibigan pa rin naman ang tingin ko sa kanya kaya masaya ako dahil may girlfriend na siya.

"Woah hold up, I guess I know what will happen next." Panay english ang lokong to ngayon ah.

Moving on.

May isang musical play kami at ako ang nakuhang lalaking bida, yung babae naman ay ang girlfriend ni Lay. May ilang scenes na magiging intimate kami ng partner ko kaya humingi ako ng pirmiso sa kanya noong nasa bahay kami at pumayag naman siya pero halata sa mukha niya ang selos at galit.

Every practice namin ay naw-weirdohan ako sa galaw at kilos ni Liv dahil sobrang sweet niya to the point na pinapahiran niya ang mga pawis ko. Syempre lumalayo naman ako sa kanya kasi girlfriend siya ng best friend ko, ayokong pagtaksilan ang kaibigan ko. Mas pipiliin ko pa rin ang kaibigan ko kaysa kahit na sinong babae.

However, things ended up so bad kahit na anong iwas ko sa kanya dahil sa last practice namin ay kailangan ko na siyang halikan at nandun pa si Lay. Wala sa plano ko ang halikan siya ng matagal pero ayaw niyang bitiwan ang pagkakahawak niya sa batok ko mas lalong nadidiin ang halikan namin. Sa mga oras din na iyon ay medyo nadadala na ako pero inisip ko ang mangyayari sa amin ni Lay kaya pwersahan kong inalayo ang sarili ko kay Liv. Pagtingin ko kay Lay ay parang pinapatay niya na ako gamit ang mga mata niya.

"Shit man! Ang intense! Sige pa" isa pa tong palamurang Arquell na to

After the practice ay sabay kaming nagtungo sa backstage at dun namin nakasalubong si Lay. Di maipinta ang mukha niya kaya nagtago sa likod ko si Liv.

"What the fvk did I just saw? Tell me, was that part of the show or was it for real? Pinagtataksilan niyo ba ako?" Papalapit siya sa amin ni Liv.

"B-Bro that's not what you thi--" di ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Liv sa likod ko na ikinagulat namin pareho ni Lay.

"I-I love Xavvy! Siya talaga ang gusto ko. Ginamit lang kita para mapalapit ako sa kanya. I-I dont like you... You're mean and selfish" ang mga salitang yan ay nagpaiwan sa aming dalawa ni Lay na mapatulala sa kinatatayuan namin.

"W-What? But I love you Liv. Ikaw lang babaeng minahal ko ng ganito. I gave you everything you wanted tapos sasabihin mo sa akin ang patpating kaibigan ko ang gusto mo? Tangna naman. Wag mo akong gagaguhin! Ano? Inakit ka ba ng lalaking to? Ginayuma ka ba niya? Yan? Magugustuhan mo? Pfft. Gusto mo lang siguro siya dahil sa pera ni--" di na napigilan ni Liv ang sarili at nasampal si Lay. Lumaki ang mata ko sa nawitness ko.

"That is why I dont love you. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili to the point na tinatapakan mo na ang iba." Pagkatapos sabihin yun ni Liv ay umalis na siya. Tumakbo papalayo sa amin kaya naiwan kami ni Lay.

And yeah, he punched me like there was no tomorrow. Basag na basag ang mukha ko bago niya pa ako tinigilan ay sinabi niya sa akin ang mga salitang 'Pagsisisihan mo na naging magkaibigan tayo. Gaganti ako at aagawin ko ang lahat ng sayo. Kahit na ano o sino man yan'

"Damn. Is it just me or ang init ng studio?" Natatawang sabi ni Jickell kaya binatukan ko siya.

"Seriously man, I think that Gavvin guy has some issues. Para siyang may multiple personality disorder." Wika naman ni DJ

"Yeah right. Pero anong nangyari sa inyo ni Liv? Naging kayo ba?" Pilyong nakangiti si Arq habang sabi yun.

"Heck no. Kahit crush ko yun, di ako pumapatol ng ex ng kaibigan ko at mas lamang pa rin naman ang pagka-crush ko kay Athene mula noon hanggang ngayon."

Lahat naman sila ay nagtinginan sa isa't isa bago nila ako harapin.

"You really love her huh?" Tanong nilang tatlo at tumango lang ako.

"Then dont let that jerk get her. Alam mong masasaktan lang siya sa huli. Protect her at all cost if you really love her"

Yung akala mo puro basag ulo at walang matitinong salita ang lalabas sa bibig namin? Pwes you thought wrong. Di kami gaya ng ibang groups na walang kwenta at silbi sa lipunan.

"But how? She hates me. She resents me for hurting Lay, kahit di niya alam ang buong pangyayari. Talo na yata ako sa larong to."

Masakit mang sabihin pero parang ganun na ang nangyayari eh. Wala na ba talaga akong pag-asa?



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color