HEARTBREAK
heartbreak
• n : intense sorrow caused by loss of a loved one (especially by death) [syn: {grief}, {heartache}, {brokenheartedness}]
● nakakaranas ng heartbreak ang mga taong umaasa at pinaasa, mga taong tanga at nagpapaka-martyr sa pag-ibig
● nagiging sawi ang mga nakaranas nito
● hindi lang naman babae ang nakakaranas nito, lahat tayo. Mapa babae, lalaki, bakla, tomboy, transgender, o ano pa man dyan. Basta nasaktan ka, alam mo na na broken hearted ka na
● ito yung bagay na nagpaparanas sayo ng matinding lungkot at pighati, lalo na kapag alam mong ginawa mo naman ang lahat para sa kanya pero pinili niya pa rin na iwan ka at saktan ka
● dito mo mararanasan ang mawalan ng pag-asa sa buhay, kung paano ka mabubuhay ng mag-isa, kung makakayanan mo ba ang mga bagay dito sa mundo dahil wala na siya sa iyong tabi.
Pero paano nga ba kinakaya ng isang taong broken hearted ang mga bagay dito sa mundo? Paano nga ba nila nalalagpasan ang limang stages ng pighati at pagiging sawi? Anu-anong bagay nga ba ang kanilang pinagdadaan bago sila maka-move on at makahanap ng katahimikan sa buhay?
~
Si Sabrina Mitch Zamora, 19 years old. Nag-aaral sa isang university bilang isang scholar dahil gusto niya maging independent sa buhay kahit mayaman naman sila. Medyo may pagka-maldita at snub siya sa mga taong hindi niya kilala lalo na sa mga taong walang ibang ginawa kundi inisin siya at gawin siyang tanga. Ayaw na ayaw niya yung pinagt-trippan siya sa harap ng madaming tao pero isang tao lang ang nakakagawa sa kanya niyan at yun ay ang best friend niyang si Blaire.
Si Blaire lang ang tanging nakakabara sa kamalditahan niya. Hindi naman siya naiinis dito dahil nga magkakilala na sila simula high school kaya naman naging mag-best friends sila. Mahal na mahal niya nga ang kaibigan niyang to dahil ito lang din ang nakatagal sa ugali niya.
Iisang tao lang naman talaga ang kinaiinisan niya sa buong buhay niya.
"Ommo Bree!! Si Shane!!! Kya~"
Si Shane Lucas Villacorta, isang sikat na vocalist sa bandang Xhausted. Sa totoo lang, hindi niya ito kilala dahil sa banda kundi dahil sa sila'y magkababata at magkapitbahay pa. At kinaiinisan niya ito dahil palagi nalang siyang kinukulit at pinagt-trippan sa tuwing magkikita sila. Pogi talaga ang binata at pinagpapantasyahan ng lahat mga kababaihan pati na rin kalalakihan sa dahil sa taglay nitong mukha at talento.
"Tss. Wala akong paki. W.A.L.A"
Sa isip-isip ni Sab, para silang tanga dahil kinikilig sila sa isang lalaking hindi naman kagwapohan sa tingin niya at hindi rin masyadong matalino. At isa pa yung pangalan ng banda nila, Xhausted?! Tanga lang mag-ngangalan ng ganyan sa banda.
"Harsh mo naman ateng. Ang gwapo kaya ni Shane!! Yieeee. Swerte mo talaga Bree, kapitbahay mo siya at classmates pa kayo. Pakilala mo naman akooooooo. Kyaaaa~!"
Sinamaan niya lang ng tingin ang kaibigan niya at naglakad patungo sa locker niya para kunin ang notebook at iniwan ng tuluyan ang kaibigan papuntang room niya.
Pagdating niya sa pinto ng room nila ay sinalubong agad siya ng tingin, paano ba naman kasi bigla nalang siyang inakbayan ng lalaking kinaiisan niya kaya naman masamang masama ang tingin ng mga babaeng kaklase niya sa kanya.
"Ugh. Ano ba Shane?!"
Inis na sabi niya kay Shane sabay tingin ng masama pero nginitian lang siya ng ngiting nakakainis ng binata.
"Huh. Good luck weirdo Bree. Humanda ka ngayon sa mga inis kong fans."
Pabulong na sabi ng binata sa kanya habang papalapit ito sa mukha niya at bigla siyang hinalikan sa pisngi. Kaya naman nabigla si Sab sa ginawa nito at di makagalaw na ikinatuwa ng binata.
"Pasok na tayo babe!!"
Pasigaw na sabi ni Shane kaya naman bumalik sa diwa si Sab at biglang sinampal ang binata sabay lakad papunta sa unang row ng upuan at nilagyan ng earphones ang tenga niya para di niya marinig ang mga bulongan ng kaklase niya.
Napansin niya naman na may tumabi sa kanya, tiningnan niya ito ngunit di niya ito kilala kaya di niya nalang ito pinansin.
"A-ahh Miss, panyo g-gusto mo?"
Tiningnan niya ulit yung lalaki. Iniscan niya yung mukha nito at napagtanto niyang mukhang mabait at nerdy ang look nito kaya naman tinanggap niya yung panyo para punasan ang pawis niya.
"Salamat ah"
At sa di inaasahan ayy doon na nagsimula ang storya nilang dalawa na bumago sa buhay ni Sabrina.
----
Makalipas ang limang buwan
SHANE
Limang buwan na ang lumipas simula nun. Hindi na kami nag-uusap, hindi na katulad ng dati na nagbabangayan kami. Pag titingnan ko siya hindi siya makatingin sakin.
Habang tumatagal ay mas nagiging malapit pa silang dalawa ni Lyle na kinakatakot ko. Ang ganda ng ngiti niya kapag nag-uusap sila.
Kaya naisipan kong kausapin ang kaibigan niya. Isa lang naman yung kaibigan niya dito sa campus. At sana naman gumana to. Bahala na magmukha akong tanga.
"Uhm, Braile?"
Nilapitan ko siya sa locker niya na ikinabigla niya naman.
"A-ano yun S-Shane?"
Kakausapin ko ba talaga to? Baka pagtawanan lang ako nito. Pareho kaya sila ng ugali? Aigoo. Bahala na si batman!
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Nagliwanag naman ang mukha niya.
"Oo naman"
Naglakad naman kami palabas at nagsimula na akong magsalita
"A-alam mo kasi, kung maaari bantayan mo ang kaibigan ko lalo na sa pinsan ko. Hindi ko alam kung paano to sasabihin pero ayaw ko siyang masaktan kaya please ikaw ang aasahan ko sa bagay na to"
Nabigla naman siya sa sinabi ko. Oo na, ako na may gusto kay Athene. Matagal na. Bata pa lang kami gusto ko na siya. Siya ang first love ko. Hindi ko lang masabi sa kanya kaya dinadaan ko ito sa kulit.
"M-May gusto ka kay Bree?"
Tumango nalang ako at Hindi na nagsalita.
"Kyaaaaaaaa~hmmm!!"
Tinakpan ko naman ang bibig niya. Shet. Ang ingay ng babaeng to. Magkaiba silang dalawa.
"Wag mong sabihin sa kanya na nag-usap tayo. Please?"
Hindi naman kasi sa ayaw kong malaman niya, may reputation kaya ako na pinanghahawakan. Masisira ang imahe ko kapag alam nilang may gusto ako sa isang babae. Mababawasan ang fans ko at masisira ang tiwala sa akin ni tito, dahil manager ko pa siya at papa din siya ni Athene.
Tumango naman siya na parang nakuha niya yung ibig sabihin ko. Haay mabuti naman at matalino tong isang to.
"Sige, babantayan ko si Hera para sayo pero sasabihan na kita ah? Gusto--hindi mahal na daw niya si Lay eh. Sila na nga yung palaging magkasama ngayon. Nagtatampo na ako sa kanya. Hmmp~" Lumungkot bigla yung mukha niya
Alam ko naman yun. Ang galing talaga ng gago kong kaibigan. Ang galing niyang sumira ng kasiyahan
"Ganun ba. Ahh sige, alis na ako. Salamat Rafaelle, aasahan ko yung sinabi mo"
At umalis na ako palayo sa kanya. Ayoko makita niya akong malungkot at papaiyak na. Nakakabakla.
~
HERA
Kanina pa kami dito sa lover's park ni Lay. Lay tawag ko sa kanya at Athene naman tawag niya sa akin para special daw. And yes, mutual understanding mga bes. Kyaaah! Enebe~
Hindi na rin ako masyadong nagmamaldita sa mga tao. Para bang binago niya ako pero hindi pwersahan, yung kusa lang.
Pero hindi pa rin mawala sa isip yung mga sinabi sakin ni Rojo five months ago. Simula kasi nung araw na yun ay binantayan ko na ang kilos at galaw ni Lay. Alam niyo, paranoid din ako. Pero wala eh, wala akong nakitang ikakasama ko kapag kasama ko siya kaya nagtataka pa rin ako kung bakit yun sinabi ni Rojo. Di kaya? Wow assuming lang te? Tss.
"Ano iniisip mo Athene?"
Sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa mukha ko. Bumalik ako sa diwa ko at napangiti ako habang nakaharap sa isang old couple na napakasweet.
"Ayun oh. Iniisip ko kung aabot pa ba ako sa edad na yan na kasama ang mahal ko sa buhay"
Lumingon naman ako sa kanya at nakita ko na ngumiti siya na parang may sinesenyasan
"Uyy, ano sinesenyasan mo?"
Ngumiti lang siya ng ngumiti.
"Hooy Lay, nababaliw ka na ba? Sabihin mo lang para madala kita sa mental."
Di niya pa rin ako sinasagot. Ugh. Kainis naman oh.
"Look behind you"
Tumingin naman ako sa likuran ko at nakita kong may mga couples na naghawak ng tanong na
"W-will you be my girlfriend? A-ano to Lay?"
Tiningnan ko siya ulit sa likod ko at may hawak na siyamg bulaklak ngayon.
Akmang papaluhod na pero pinigilan ko dahil nakakahiya
"Diba sabi mo sa akin na gusto mong tumanda kasama ang mahal mo? Matagal ko ng pinag-iisipan to Athene, at narealize ko na ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda ko"
Lumapit naman siya ng lumapit hanggang sa nagdikit na ang mga noo namin
"W-Will you be my girlfriend Athene?"
Is this thing real?! I-Im not dreaming, am I?
~
ROJO
Nasa lover's park ako ngayon, mag-isang naglalakad. Ito kasi yung tambayan ko kapag nalulungkot ako.
May makita akong grupo ng magkakasintahan na may hawak na 'Will you be my girlfriend'. Tss. Di pa nga kayo, maghihiwalay din kayo! 23 pa naman ngayon. Bitter gago!
Makalakad na nga lang, may ice cream pa naman doon malapit sa lake.
"Will you be my girlfriend, Athene?"
Natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun. Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw, bakit parang ang sakit. Pinako na yata yung mga paa ko pati puso ko.
Hindi ko alam pero naglalakad nalang ako papunta sa kanila at doon nga, nakita ko si Sab na napakasaya at tumango sa tanong niya.
ANG SAKIT, ANG SAKIT SAKIT.
SettingsX | ||||||||||
|