Night Owl
By Ming
Date: January 16, 2022
Ch. 5Helping Hand


Ommo!!!

Late na ako. Wtf. Hindi ako ginising ni Francis. Aish kainis naman oh.

"Ahh, sakit ng ulo ko"

Wala talagang maidudulot na maganda ang alak. -___-

Ako nalang mag-isa dito sa bahay? Ayy grabe sila oh. Sana man lang nagluto sila ng hangover soup.

Ugh.

Wala na akong time magluto at kumain. Patay ako sa prof namin. Huhuh

I solemly swear never to drink during weekdays. Pssh. Langyang Royce talaga yun.

Hindi ako pwede magmaneho dahil hindi pa nawawala ang hangover ko. Sayang naman kung mabangga ako dba? Wala ng pag-aagawan sa kwentong to.

"Taxi!"

Hay salamat naman at tumigil ang isang to.

Pero teka,

"Huy!!"

Aish. Walang manners yung babaeng yun ah. Inagawan ako ng taxi huhu. Patay na talaga ako neto.

"Taxi! Taxi!!"

Haaay salamat talaga at maraming taxi sa bansang to kundi huling huli na talaga ako. Humanda yung babaeng yun. Mukhang kapitbahay sa condo lang namin yun ah.

~

Nakarating na din ako sa university. Bilisan mo Matthew kundi late ka na!! Detention is real

Pagkarating ko sa room ay walang tao. Huh? Bakit walang tao? Wala bang pasok? Aba hindi man lang ako inupdate ng mga kaklase ko.

"Note: 1 pm start of class today"

WHAT THE HECK? Hindi ako kumain para makaaga ng dating, hindi ako naligo, hindi ako nagmaneho ng sasakyan at ito madadatnan ko? Aba matindi. Ang galing talaga ng prof namin.

Tss.

Mabuti pa kumain nalang ako. Sana masarap pagkain sa cafeteria. May 2 oras pa naman ako para kumain.

"One omelet rice and eggrolls with iced tea"

Sinerve nila sakin yung order ko at nagbayad ako agad. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng locker para kunin ang extra shirt ko dahil gusto kong maligo dahil ang dungis kong tingnan kapag di ako naliligo.

"Haay sa wakas. Ang fresh ko na"

Tapos na nga pala akong maligo at papunta na ako ngayon sa room namin. Minor subject yung first class namin pero nag-aastang major ang gago.

Ugh.

*Bell Rings*

~

"Good morning everyone, how was your day yesterday?"

Aba. Iba yata ang mood ng maldita naming prof. Hmm..Siguro nakahanap ng boyfriend.

"Well before anything else, I want you to know that you have two new classmates for this semester so be good"

Nagbulungan lahat ng mga kaklase ko. Ni-isa sa kanila wala akong close. May kinakausap pero close. Loner ako dito kahit gwapo ako. Ayaw ko kasi makipag-usap sa kanila kasi alam ko na sisiraan lang ako ng mga lalaki dito at ang mga babae naman ay aasa kung kakaibiganin ko sila.

"Come in you two"

Pumasok naman yung dalawang tinutukoy ni Prof at laking gulat ko ng sila yung makita ko.

Ano to? Pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana? Ginagago ba ako ng mundo? Lintik na buhay to.

Pero teka, kung magiging magka-klase kami ay malalaman ko ang pangalan niya.

"Can you introduce yourselves?"

Ommo! Ito na hinihintay ko. Sabihin mo na please.

"Im Tristan Lee"

Ohh. So Tristan ang pangalan ng bouncer este boyfriend niya.

"Im Sabrina Tan"

Sabrina? Tan?

"No! Ikaw si Blaze!"

Fvk. Ano tong ginagawa ko? Bakit ako biglang sumigaw? Ugh.

"S-sorry prof."

Niyuko ko nalang ang ulo ko at nagkunwaring may sinusulat.

"You can sit anywhere you like so sit because Im gonna start our discussion"

Nakita kong naglakad si Sabrina palapit sa akin.

Dug dug dug

Ugh. Nakakainis. Bakit ako kinakabahan?

"You"

Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nakangiti siya sa akin. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"A-ako?"

Tumango siya at tumingun muli sa akin.

"We have a lot to talk about later"

At binalik niya ang tingin niya sa prof namin. Katabi niya din pala yung Tristan sa isang side.

~

Natapos na din lahat ng klase ko sa wakas. Magkaiba kami ng schedules nung Sabrina kaya hindi na siguro niya ako kakausapin ngayon.

Mabuti pa makinig nalang ako ng music. Ilalagay ko na sana yung earphones ko ng may biglang humablot nito mula sa kamay ko.

"Uyy ano b--"

Nilingon ko yun humablot at nakita ko si Bl--Sabrina.

"Diba sabi ko sayo mag-uusap tayo?"

Hindi ako makasagot. Kinakabahan ako. Nanigas bigla yung katawan ko.

"H-ha? A-ahh S-ige."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang roof top.

Nang makarating kami sa roof top ay tahimik lang ako. Tinitingnan ko lang siya na nakangiting nagpapa-hangin. Ang ganda niya. Pareho talaga sila ng mukha.

"So, uhm. Hey, you know my name now. Pwede mo bang sabihin sakin yung sayo?"

Huh? Gusto niyang malaman ang pangalan ko? Bakit?

"U-uh. S-sure, M-Matthew James Isaiah"

Tumabi siya sa akin at saka sinandal ang ulo niya sa shoulder ko. Ano bang ginagawa niya? Bakit parang hindi ako makapalag sa mga ginagawa niya? Ngayon lang ako nagpasandal ng babaeng hindi ko pa ganun ka kilala.

"Can I call you Isaiah? I like that name, I love it actually"

Tumingin siya sa akin habang nakasandal parin at tumingin din ako sa kanya kaya muntik na kaming magkahalik. Shet. This girl is driving me nuts.

"S-sure"

Natawa naman siya. Bakit kaya? Baliw ba tong babaeng to?

"Bakit ka nauutal? Eh nung huli tayong nag-usap eh hindi ka naman nauutal. Be nature, wag kang awkward"

Ugh. -__-

"Ahh ehh. Sorry. Kasi baka makita tayo ng boyfriend mo eh. Ang laki pa naman ng katawan"

Natawa na naman siya ulit. Aba, ginagawa akong clown ah.

"Boyfriend? Tristan? Hahaha heck no. He's my cousin slash bodyguard slash best friend. Dont worry, hindi ka gugulpihin nun"

Really? Then that means she's single.

"Talaga? Hay salamat naman"

Ahh fvk. Nagpasalamat pa talaga ako?

"Salamat saan?"

No no wag mo sabihin!

"Dahil single ka"

Too late!!! Ilibing niyo na ako!

"Hahaha you're funny. So I guess we can be friends for now? How does that sound?"

Friends? I guess pwede na rin yan sa ngayon.

"Friends"

Inabot ko ang kamay ko at kinuha niya naman yun.

"For now"

Ngumiti siya at ngitian ko rin siya. Nakakahawa ang ngiti niya.

"Ahh ehh, sorry nga pala kaninang umaga dahil inagawan kita ng taxi haha"

So siya pala yon? Ibig sabihin

"So dun ka din nakatira? Pwede ba kitang dalawin?"

Tumango naman siya at naglakad papuntang hagdanan. Sumunod naman ako.

Hun, ito ba yung sinasabi mo sa akin na dapat kamukha mo ang maging girlfriend ko ulit? Sure ka ba dito?

Siguro nga dapat sumubok na ako. I will take risks now for you Blaze. Susubukan ko ng mag-move on.

Sab's POV

Hey guys!!! Finally, nagka-pov din ako. Daya kasi ni Miss Cee, palagi nalang si Matthew yung nagsasalita. Hehe labyuuu po.

Anyway, ako nga pala si Sabrina. Tawagin niyo nalang akong Sab. If you're wondering who I am then sasabihin ko na sa inyo. :P

Kapatid ko si Blaze. Kakambal to be exact. Hindi kami nagkasama dahil naghiwalay sina papa at mama.

Dito na ako nakatira sa Seoul ever since pero di nila alam na nagkikita kami ni Blaze ng patago.

Noong sinabi niya na may stage 4 luekemia siya parang gumuho ang mundo ko. Gustong-gusto ko siya tulungan pero wala akong magagawa.
Pero two years ago may hiniling siya sa akin bago siya mawala.

Flashback

Haaay. Finally, tapos na din ang shift ko. Makakapagpahinga na din ako.

Blaze Calling....

Huh? Bakit siya tumatawag? May problema kaya?

"Hello?"

Matagal siyang sumagot. Nag-aalala na ako.

"Huy Blaze? May problema ba? Napatawag ka?"

Di pa rin sumasagot. Argh. Alam niya naman na paranoid ako eh.

"W-wala naman. Gusto lang kita makausap Sab. Kamusta ka na? Si mama?"

Si mama?

"Okay lang naman ako. Katatapos ko lang magtrabaho. Si mama? Alam mo naman na matagal ng wala si mama eh. Okay ka lang ba?"

Ano kayang nangyayari?

"O-o. O-okay lang ako." -narinig ko na medyo umiiyak siya- "Oo nga pala. Magsasama na din kami ni mama."

Sht. Bakit niya sinabi yun? Wala na ba talagang pag-asa pa?

"Ano ka ba twinnie! Mabubuhay ka nuh! Magsasama pa tayo dito at papakasalan pa natin sabay ang mahal natin kaya lumaban ka"

Tumutulo na ang mga luha ko pero hindi ko dapat ipahalata sa kanya na nasasaktan ako.

"P-pagod na akong lumaban sis. Sorry kung hindi ko na maggagawa ang mga bagay na gusto nating gawin. Hindi ko na talaga kaya eh. Bugbog na ang katawan ko pero kahit ganun lumalaban pa rin ako hanggang ngayon dahil sayo at kay Matthew"

Matthew? Yung boyfriend niya? Akala ko ba hiwalay na sila?

"Akala ko ba hiwalay na kayo? Wag ka naman magsalita ng ganyan oh. Pinapaiyak mo ako dito. Alam mo naman na gustong gusto kitang makasama dyan pero wala pa akong sapat na pera ngayon dahil na-cut ang account ko pero gagawa ako ng paraan. Hintayin mo ako"

Hinintay ko ang sagot niya kaya may moment of silence kami. Lalo tuloy akong umiyak.

"M-may hihingin sana akong tulong sayo Sab."

Kahit ano gagawin ko para lang mabuhay ka.

"Ano yun?"

Huminga ako ng malalim.

"G-gusto ko sanang bantayan mo si Matthew. Alagaan mo siya at mahalin mo siya kung maaari. Natatakot kasi ako na baka magpakamatay siya kapag nawala na ako kaya kung papayag ka bantayan mo siya. Hindi siya mahirap mahalin Sab."

Seryoso ba siya sa sinabi niya? Bakit niya ibibigay sa akin ang taong mahal niya?

"Seryoso ka ba dyan?"

"Oo. Mas papanatag ang loob ko dahil alam ko na kagaya kita kung magmahal. Alam ko na hindi ka rin mahirap mahalin katulad ni Matthew. Kung tutuusin nga mas bagay kayong dalawa eh. Pareho kayong madaldal at outgoing kaya magkakasundo talaga kayo"

Bakit niya ba ginagawa to? Alam ko naman na nadudurog ang puso niya sa mga sinasabi niya.

"Sigurado ka ba talaga Blaze? Alam ko na nasasaktan ka"

"Sigurado na ako dito. Hindi ako nasasaktan dahil alam ko na bubuti ang lagay ng taong mahal ko kung kasama ka niya. Ipapasa ko sayo lahat ng information ko kay Matthew mamaya at pati na rin yung mga social network accounts niya. Yung mga sulat niya kunin mo at basahin mo para mas makilala mo siya. Isa din siyang closet poet gaya mo"

Hindi ko siya sinagot dahil binaba ko ang cellphone at umiyak ng umiyak.

End of flashback

Sa maikling panahon na nakilala ko si Matthew dahil kay Blaze, minahal ko na siya.

Ito naman ang gusto mo Blaze diba? Ang mahalin ko siya at mahalin niya ako? Ang tulungan ko siyang makabangon muli?

Tama naman siguro tong nararamdaman ko diba? Please Blaze, sabihin mo sa aking na tama tong nararamdaman ko.

"Saab!!!"

Aish. Nagm-moment ako dito eh. Sino ba kasi yan-- Ayy si Matthew pala.

"Oh Isaiah?"

Gusto ko Isaiah ang itawag ko sakanya para unique.

"G-gusto m-o k-kumain sa labas?"

Ang cute niya pag nauutal.

"Talaga? Libre mo? Tara!!"

Bye mga bes! Labas muna kami. Haha.
Ito na din siguro ang chance ko para mas makilala siya at matulungan siyang makalimut para mahalin niya ako.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color