Tiningnan ni Francis ng masama si Royce. Natatawa ako sa kanilang dalawa. Hindi pa rin nagbabago.
"OPPA'S. PLEASE TELL YOUR MAID TO GO AWAY!!!"
At sa narinig ko ay uminit ang tenga ko. Pagsasabihan ko na sana sila kaso pinigilan ako ni Francis.
"Ako na bahala Isa"
Tumango na lang ako at naghintay sa mga gagawin ni Francis.
"Huh, Oppa? Are you telling my boyfriend to get rid of me? Excuse me girls but I am not their maid. I am Royce's boyfriend and Matthew's first love so please go away and dont disturb us while Im being nice to you right now."
Woah. Nakalimutan ko na may ganitong side pala si Francis. Kaya pala naging magbestfriends sila ni Blaze. Napaka-selosa.
"WE DONT BELIEVE YOU!! LIAR!!"
Hindi pa rin tumigil ang mga babae sa kakasigaw kaya naman lumapit si Francis kay Royce at hinalikan ito. Kita ko sa mukha ni Royce ang pagkabigla pero di nagtagal ay sinabayan niya na si Francis.
Naalala ko na naman ang unang halik ko kay Blaze. Naiiyak na naman ako. Hays.
"LET'S GO GIRLS!! WE WILL GET OPPA ROYCE AND OPPA MATTHEW NEXT TIME"
Pagkatapos nilang umalis ay dumiretso ako sa elevator para umakyat sa condo. Naiwan silang dalawa na naghahalikan pa rin.
Ano ba! Nang-iingit talaga sila eh. Kahit na hindi sila nagkakaintidihan minsan ay alam ko na mahal na mahal nila ang isa't isa at engaged na nga sila dba? Matagal na. Kaya sure na sure na magpapakasal at forever na sila. Naiinggit ako.
Sana tayo din Blaze. Kung nandito ka lang sana ay matagal na tayong nagsasama. Siguro may mga plano na tayo ngayon sa ating buhay. Puno siguro tayo ng adventure kaso ang hirap mong abutin ngayon hun. Masyado kang malayo. We're not just a thousand miles apart.
Heaven and Earth? It's hopeless.
Special Holiday ngayon dito kaya naman walang pasok lahat ng level. Si Francis ay umalis kasama ang mga kaklase niya, mags-shopping daw at bibili ng mga pagkain namin dito sa bahay.
Naiwan kami ni Royce at kuya dito dahil hindi siya nagpahatid.
Nab-bore ako. Nagbabasa na naman kasi ng libro tong si Royce at si kuya naman ay parang lutang ngayon. Pssh. Ano ba tong mga lalaking to.
"AHHH! NABABALIW NA AKO"
Tumigil si Royce sa pagbabasa at si kuya naman ay nataranta kaya nilapitan nila ako.
"Okay ka lang bro?"
"Ano nangyari sayo anak?"
Atlear nakuha ko ang atensyon nila. Meh.
Naglakad ako papuntang kusina at kumuha ng soju. Gusto kong iminom kaya wag na kayong umangal.
"Mababaliw na siguro ako. Hindi ko alam pero nakikita ko palagi si Blaze"
Nilagyan ko ng laman ang baso ko at uminom. Ahh! Ang tapang.
"Bro, baka naman palagi mo siyang iniisip kaya nakikita mo siya kahit saan"
"Tama si Royce anak. Ganyan din ako dati pero di nagtagal ay hindi ko na nakikita si Trina"
Hindi eh. Kahit anong tanggal ko sa kanya sa isipan ko ay wala talaga.
"Hindi, sa Pinas nagkita kami. Hinalikan niya ako. Ramdam ko pa ang mga labi niya sa labi ko."
Tumulo na naman ang luha ko. Ugh. Im such a cry baby. Bakit ba napaka-emosyonal ko?
"Hinalikan ka ng isang espirito? Paano nangyari yun bro?"
Tiningnan ko si Royce at kuya.
"Ganito yung nangyari, death anniversary ni Blaze at nagpa-iwan ako. Habang kinakausap ko ang girlfriend ko ay bigla akong nagutom kaya bumili ako ng pagkain pero pagkabalik ko sa sementeryo ay nakita ko na may dalawang tao ang dumalaw sa puntod ni Blaze, isang lalaki at babae. Akala ko nun ay kamag-anak nina Tito kaya okay lang sa akin pero nagkamali lang pala sila ng napuntahan."
Kinuha ko na whole bottle at nilagok lahat ng laman. Hindi umi-epekto sa akin ang alcohol ngayon ramdam ko pa rin ang kirot at sakit.
"Oh tapos? Anong nangyari? Nakita mo si Blaze?"
Pinahiran ko ang bibig ko at saka nagsalita.
"Umalis silang dalawa pero naiwan yung bag ng babae kaya tumakbo ako para ibigay to sa kanya, hindi ko pa nga nakikita yung mukha ng babae dahil naka-hat ito yung malaking hat kaya nung binigay ko ito sa kanya ay sinadya ko talaga na maupo sa lupa para makita mukha niya at nagulat ako ng makita ko si Blaze"
Nagtinginan silang dalawa at alam ko ang mga tingin na yun.
"Hindi ako nababaliw dahil nasundan pa yung pagkikitang yun. Sa convenience store kung saan kami palaging nagme-merienda ni Blaze noon. At dun kami nagkausap ng matagal at sinundan ko siya para masiguro ko na tao ba talaga yung kausap ko. Nagkausap kami sa bench at doon ko binuhos lahat ng emosyon ko dahil sabi niya na isipin ko na siya si Blaze tapos nabigla nalang ako ng bigla niya akong hinalikan. Hindi ko alam pero sa paghalik niya ay naramdaman ko si Blaze"
Kinuha ni Royce ang isan bote at nilayo sa akin. Pssh. Hindi pa naman ako nalalasing eh.
"Baka naman kamukha lang yun ni Blaze bro. Madaming chinita sa Pinas."
Naglakad ako papunta kusina at kumuha ng donuts. Eh sa nagutom ako.
"Hindi bro eh, hindi ako lasing nung mga oras na yun. Hindi ko siya sa Pinas unang nakit kundi dito. Nagkita na kami sa isang resto noong hindi pa kayo sumunod sa akin dito"
Kumuha naman si kuya ng donut na dala ko.
"Alam mo anak, baka sign na yun na dapat mo na talaga siyang kalimutan. Alam ko mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko dahil ako mismo nahihirapan na gawin yun. Baka nga tama si Royce, kamukha niya lang yun. Wag mong hanapin si Blaze sa ibang tao dahil magkaiba tayong lahat ng personalidad. Alam ko na balang araw ay makakahanap ka rin ng iba at kailangan mahalin mo siya ng higit pa, iparanas mo sa kanya ang pagmamahal na gusto mong ibigay kay Blaze noong nabubuhay pa siya, gawin mo lahat ng bagay na gusto mong gawin kasama siya at wag mo siyang pakawalan pa kahit ano mang mangyari"
Nagkatinginan naman kami ni Royce at sabay na tumingin kay kuya na nakanga-nga.
"Wow kuya. Grabe yung sinabi mo ah. Naintindihan kaya yun ng mokong kong kaibigan?"
Sinuntok ko ng napakahina ang braso ni Royce. Loko talaga ehh.
"Haha joke lang bro. Labyyuuuu mwah!"
"Kayo talagang dalawa, mas sweet pa kayong panoorin kesa sa girlfriend mo Royce"
Sabi ko na eh, ang daming nakakahalata sa sweetness namin. Haha
"Inlove kasi sakin tong si Royce kuya eh kaya lang di niya maamin sa sarili niya kaya dinadaan niya sa mga gantong paraan"
Tinapon niya ang unan sa mukha ko at nag-pout. Gago talaga.
"Ehhh! Bakit mo sinabi kay kuya? Nalaman niya tuloy. Huhu"
Hahahaha dafuq is with this guy.
"Sorry na bro. Halika, kiss kita. Mwaaah!!"
Tawang tawan naman si Kuya sa ginagawa namin. Haha ganito na talaga simula part 1 dba? Sweet kaya namin.
#RoSa♡ Bromance is real eh.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Francis kaya naging pormal kaming lahat. Nakakatakot pag may kasama kang babae sa bahay.
"Oh? Ba't ang tahimik niyo? Alam ko naman na nag-iinuman kayo eh"
Nagtinginan kamin tatlo at nag-isip ng mga palusot.
"What are talking about baby? Nagkukwentuhan lang kami kanina"
Tinuro ni Francis yung isang laruan na nakadisplay malapit sa inuupuan namin at kinuha ko yun. Ugh. Spy Cam?
Siniko ko si Royce at pinakita sa kanya ang lens. Buking kami.
"Sorry love. Ako nagyaya sa kanila. Na-bored kasi kami"
Hindi nagsalita si Francis at dumiretso lang sa kusina para ilagay ang mga pinamili niya.
"Hala ka bro, nagsinungaling ka sa girlfriend mo. World war 3 is real! Hahaha goodluck :P"
Nagtawanan lang kaming tatlo. Siguro lasing na talaga tong si Royce kasi hindi man lang siya natakot. Iba talaga nagagawa ng alak haha.
SettingsX | ||||||||||
|