"Let's go Isa"
Haays. Babalik na kami ngayon sa Korea.
Natapos na din kasi lahat ng pinapagawa ni papa at kailangan namin humabol sa mga lessons dahil may goals kami. :P
Nakakapagod.
Natapos na yung dalawang linggo kong stay dito sa Pinas pero hindi ko pa rin nahahanap yung kamukha ni Blaze. Sana naman makita ko sita kahit isang saglit lang.
"Huuuy bro! Lutang ka na naman. Tara na sabi eh!!"
Aish. Anak ng!
"Naman ohh. Disurbo ka talaga kahit kailan"
Aba nginitian pa ako ng nakakalokong ngiti. Ugh. Hindi bagay.
"Gwapo naman kaya okay lang. Hahaha. Ano tara? Maiiwan tayo sa plane. Pagod na ako. I wanna sleeeeep!"
Bata ba tong kasama naman? Ahh isip bata pala tong boyfriend ng pinsan ko. Tss muntik ko na yun makalimutan ah.
"Huyy di ako isip bata ah. Pogi lang talaga ako kaya masanay ka na. Dba baby?"
Inakbayan niya si Francis at tinganggal naman ng pinsan ko ang braso niya kaya nakakatawa yun ekspresyon sa mukha niya.
"HAHAHAHAHA BUTI NGA SAYO!"
Lmao. Hindi talaga ako makatigil sa pagtawa eh. Kahit nasa loob na kami ngayon ng eroplano ay tawa parin ako ng tawa. Mukha na akong baliw.
"Uyy. Kayong dalawa, tumigil na kayo kundi iiwan ko talaga kayo"
Tiningnan ko lang si Francis saka tumawa ulit kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Royce. Haha Paano ba naman kasi, nasa gitna namin si Francis kaya naiirita na siguro siya sa kakatawa ko.
~
Finally, after 200000000 million years nakarating na rin kami sa Incheon Airport pero hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa lalo na kapag naaalala ko yung nangyari
Hayaan niyi na ako, minsan lang ako mabaliw kaya pagbigyan niyo na ang poging katulad ko. Hahahahah
"Diretso na tayo sa condo"
Tinawagan ni Francis ang driver namin para magpakuha. Sosyal kami dito sa Korea kasi may butler/driver kami kaya nga di na ako sanay sumakay ng jeep.
May sarili din naman akong kotse dito kaya di na ako nagpapahatid, yung dalawa lang dahil pareho naman sila ng university.
Dumating na din ang kotse after 15 minutes. Mabilis talaga magpatakbo si Kuya Roy eh.
Pagkasakay namin ay bigla nalang kaming tumahimik lahat. Ewan ko. Napagod na siguro yung bibig ko kakatawa pero yung utak ko tuloy pa rin ang tawa.
"Mga anak, kumusta yung stay niyo sa Pinas?"
Hindi ako sumagot at yung utak ko na kanina pa tumatawa ay tumigil na.
"Naku po kuya, masyadong madrama kaya wag niyo ng itanong"
Tiningnan ko si Francis na nasa front seat. Nasa likod kami ni Royce na nagbabasa na naman ng libro.
"Ito kasing si Matthew hindi pa din nakaka-move on. Akala ko pa naman naka-move on, sa dami ng babae na umaaligid sa kanya iisa pa din pala ang nada puso niya"
Aish. Di ko alam kun magagalit o matutuwa ako sa sinabi ni Royce. Tama din naman kasi siya eh. Hays. Ewan ko ba.
HINDI PA RIN AKO MAKA-MOVE ON. BAKIT BA ANG HIRAP? GANITO BA TALAGA KAHIRAP MAG-MOVE ON?
"Oh siya, tama na yan. Naiintindihan ko ang kalagayan ni James kasi pinagdaanan ko din yan noon"
Para talaga siyang si Papa. James din tawag niya sa akin eh. Ohh? Really? Naranasan niya ng mawalan?
"Talaga po?"
Curious na curious na ako. Hahaha I want to know the whole story.
Binagalan ni kuya ang pagmamaneho. Himala to ahh.
"Ganito kasi yun, matagal na kaming magkasintahan ni Trina. Mga limang taon na siguro kaya napagdesisyonan namin na magpakasal hindi naman tutol ang mga magulang niya kahit hindi ako ganun ka yaman. Nung araw ng kasal namin hindi siya umabot sa altar kasi bigla siyang nahimatay."
Nahimatay? Bakit kaya?
"Tapos po kuya?"
Oh dba? Pati yung dalawa nakikinig din.
"Tumakbo ako palapit sa kanya at nung nakalapit na ako bigla niya akong niyakap at hinalikan. Hindi ko alam na yun pala ang huling pagkikita namin"
Huh?
"Umalis po ba siya kuya? Ano po nangyari?"
Nakita ko sa salamin na medyo naluluha na si kuya. Alam ko ang kasunod na nangyari dahil palagi ko siyang naririnig tuwing gabi na umiiyak.
"Tama na yun bro. Masyado ka ng tsismoso, bigyan natin ng privacy si kuya"
Tiningnan ako ni Royce ng pagtakaka pero mukhang nakuha niya din ang ibig kong sabihin kaya hindi na niya kinulit si kuya.
~
Pagdating namin sa condo ay inaasahan ko na talaga ang mga babae na nag-aabang sa amin. Ugh. Nakakainis.
Ayoko talaga ng mga babaeng masyadong obvious. Nagmumukha lang silang tanga dahil sa ginagawa nila.
"Oppa Matthew!! We love you!!! Oppa Royceee! Please be ours!!!"
Yup. Kaming dalawa ni Royce ang inaabangan nila. Kaya hindi ako dumadaan sa main entrance para di nila ako makita. Nakakainis na kasi talaga yung mga tili nila.
Hindi ba sila napapagod sa buhay fangirl? Tss.
"Kuya Roy, pwede po bang ihinto niyo na dito ang kotse? Dito na kami bababa"
Huh? Ano? Nasisiraan ba ng bait tong si Francis?
"Love what are you doing? Are you okay?"
Tiningnan ako ni Francis at ngumiti lang siya at bumaba na. Shet. Alam ko ang ngiting yun.
"Bro tara na baka magalit pa sa atin yun. Takot akong magalit si baby"
Hahahaha. Akala ko pa naman matinik sa babae yun pala under na under sa pinsan ko tong gagong to.
Bumaba na kaming dalawa at pumunta na si kuya sa parking lot. Siya nalang din daw ang dadala sa mga bag namin.
Hindi pa nga kami nakakalapit sa pinto ay rinig na rinig ko na ang mga tili nila na ang sakit sakit sa tenga. Bakit nga ba kami nakilala dito sa Korea?
Ganito ba talaga kami ka pogi kaya kahit saang bansa ay kilala kami ng mga tao? Pssh. Kainis.
Nang makalapit na kami sa entrance door ay biglang tumigil si Francis.
"Baby anong ginagawa mo? Ayaw mo bang pumasok?"
Tiningnan ni Francis ng masama si Royce. Natatawa ako sa kanilang dalawa. Hindi pa rin nagbabago.
"OPPA'S. PLEASE TELL YOUR MAID TO GO AWAY!!!"
At sa narinig ko ay uminit ang tenga ko. Pagsasabihan ko na sana sila kaso pinigilan ako ni Francis.
"Ako na bahala Isa"
Tumango na lang ako at naghintay sa mga gagawin ni Francis.
"Huh, Oppa? Are you telling my boyfriend to get rid of me? Excuse me girls but I am not their maid. I am Royce's boyfriend and Matthew's first love so please go away and dont disturb us while Im being nice to you right now."
Woah. Nakalimutan ko na may ganitong side pala si Francis. Kaya pala naging magbestfriends sila ni Blaze. Napaka-selosa.
"WE DONT BELIEVE YOU!! LIAR!!"
Hindi pa rin tumigil ang mga babae sa kakasigaw kaya naman lumapit si Francis kay Royce at hinalikan ito. Kita ko sa mukha ni Royce ang pagkabigla pero di nagtagal ay sinabayan niya na si Francis.
Naalala ko na naman ang unang halik ko kay Blaze. Naiiyak na naman ako. Hays.
"LET'S GO GIRLS!! WE WILL GET OPPA ROYCE AND OPPA MATTHEW NEXT TIME"
Pagkatapos nilang umalis ay dumiretso ako sa elevator para umakyat sa condo. Naiwan silang dalawa na naghahalikan pa rin.
Ano ba! Nang-iingit talaga sila eh. Kahit na hindi sila nagkakaintidihan minsan ay alam ko na mahal na mahal nila ang isa't isa at engaged na nga sila dba? Matagal na. Kaya sure na sure na magpapakasal at forever na sila. Naiinggit ako.
Sana tayo din Blaze. Kung nandito ka lang sana ay matagal na tayong nagsasama. Siguro may mga plano na tayo ngayon sa ating buhay. Puno siguro tayo ng adventure kaso ang hirap mong abutin ngayon hun. Masyado kang malayo. We're not just a thousand miles apart.
Heaven and Earth? It's hopeless.
SettingsX | ||||||||||
|