Night Owl
By Ming
Date: January 16, 2022
Ch. 1The Night Owl


Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nanaginip ako ng bagay na hindi kanais nais or dinedeny ko lang dahil maganda naman talaga ang panaginip ko. Sadyang ayaw ko lang tanggapin na iyon ay isang panaginip lamang. HUHUHU NAKAKAIYAK KAYA MGA TE.

Alam mo yung muntikan na kayong mag kiss ng prince charming mo kaso biglang tumilaok ang lamok este ang manok pala sa bahay ni kuya!

Kaloka!

Parang ayaw ko na tuloy gumising. Ibalik niyo ko sa panaginip ko! At least dun isa akong magandang bida bida na hinahabol ng mga gwapong nilalang.

Wag na kayong pumalag dahil ako ang bida dito. Ano ba!

May isang linggo nalang din ang stay namin dito sa Pinas dahil babalik na kaming Korea para mag-aral kaya heto ako, basang basa sa ulan. Dejoke. Nasa office ako ngayon at tinatapos ang mga dapat tapusin pati feelings ko tatapusin ko na din kahit hindi ko kaya pipilitin ko nalang.

Hmm.. May na-miss akong gawin.

Open's Night Owl

Active Now:

[ DreamCatcher ]

Ohh? Sino naman kaya to. Sana masaya tong ka-chat.

DC: Hiii!
DC: HIIII?
DC: YOOOW! HIIII ^___^

I take back what I said. I need a silent chatmate.

Me: Hi din.
DC: Pinoy ka? OMG!!!!
Me: Oo.
DC: Boring mo naman. Wag KJ uyy!!
Me: Tss.
DC: Ano ba yan. Bakla ka ba?
Me: Ako bakla? Sino may sabi hahalikan ko.
DC: Di mo ko kaya! Hahahaha
Me: Sure ka?
DC: 101% Sure bakla! hahah
Me: Ewan ko sayo
DC: Haha joke lang. Ang pogi mo kaya. :P
Me: Cheee! Ang ingay mo.
DC: Parang ikaw lang haha
Me: eh? Ang tahimik ko nga eh
DC: Kaya nga. Nakakabingi na dahil ang tahimik mo :P

Aish. Kainis tong taong to. Baka siya yung bakla.

Me: Pssh.
DC: Btw, babae ako. Hindi ako bakla-kla-kla-kla. Hahahaha
Me: Bakit ba ang saya-saya mo?
DC: Kasi nanalo ako sa lotto! Hahaha
Me: Loko-loko!
DC: Bakit? Mahirap ba paniwalaan? Haha
Me: Oo. Mas madaling paniwalaan kung sasabihin mong nababaliw ka na.
DC: Baliw talaga ako hahah
Me: Sabi ko na nga ba eh
DC: Baliw na baliw sayo!! Hahah
Me: Ugh. Edi wow.
DC: Ouch. Nireject ako.
Me: Nanligaw ka ba?
DC: Hindi. Pwede ba?
Me: Hindi.
DC: OUCH. TWICE REJECTED.
Me: Oa mo uy. Dapat ako yung manligaw sayo.

Ha?.Wtf. Ano ba yung pinagsasabi ko? -__- Nababaliw na din siguro ako. Nakakahawa tong babaeng to.

~

SOMEONE'S POV

MB: Oa mo uy. Dapat ako yung manligaw sayo.

Ehh? Seryoso ba siya? Bakit niya naman kaya nasulat to. Oh well, sasabayan ko nalang to dahil bored ako.

Me: Liligawan mo ako? Omg. kinikilig ako. Kyaaaah!
MB: Pssh. Asa ka naman. Di kita type.
Me: Aba! Nakita mo na ba mukha ko? Baka magsisi ka. Haha
MB: Weh? Wag na. Sayang oras ko.
Me: Hahahah booo! ayoko na din sayo. May iba akong gusto. Mas pogi siya sayo kaya break na tayo.
MB: May mas popogi pa pala sa akin? Ha! Hindi ako sure dyan sa sinabi mo. Me: Hahaha meron kaya. Sa isang convenience store nga kami nagkita eh. Di ko nga lang alam pangalan niya. MB: Ows? Di nga. Mas pogi ako nun. Ako kaya ang basehan ng pagiging gwapo. Ako kaya an number sa most handsome faces sa isang magazine at survey.
Me: Scammer! Hahahaha wag mo ako lokohin. Yung crush ko ang number ehh.

~

Matthew's POV

DC: Scammer! Hahahaha wag mo akong lokohin. Yung crush ko ang number one ehh.

Sht. Ako ba yung tinutukoy niya?

Me: Uso pa pala yung crush sa mga matatanda? Hahaha
DC: OMG!!! TUMAWA KA! KYAAAH!
Me: Ehh? Ano naman ngayon?
DC: Syempre uso pa rin yun nuh! Wala lang, achievement ko yun eh.

May sira talaga tong babaeng to. Teka, tatangungin ko nga to tungkol sa crush niya. Hahahah

Me: Magkwento ka nga dun sa crush mo. Ic-compare ko kung gaano siya ka-pogi
DC: Yoko nga! Baka magselos ka at mainsecure hahaha.
Me: Pssh. Bahala ka sa buhay mo uyy. Alis na ko bye.

◎ You disconnected ◎

~

SOMEONE'S POV

Ayy? Nag-disconnect. Kill joy niya. Akala ko pa naman masaya siyang kausap.

Haaay. Bakit ba hindi ka maalis sa isipan ko? Alam ko naman na hindi mo pa siya nakakalimutan eh.

"Bukas na yun flight natin pabalik. Hindi ka ba talaga magpapakita sa papa mo?"

Aish. Kinukulit na naman niya ako.

"Wag na. Pupunta nalang ako sa sementeryo para dumalaw ngayon. Ihatid mo naman ako oh. Please?"

Hehe. Pa-cute effect sana umepekto.

"Oo na. Kung di lang kita mahal aish. Iniwan na talaga kita"

Yeeees! Hahahaha

"Labyuuuu toooo! Haha"

Pumunta na kami sa sasakyan at sumakay papuntang sementeryo.

Nang makarating kami dun ay nagpaiwan ako. Tatawagan ko nalang siya para sunduin ako.

"Hi sis. Kamusta ka na dyan? Maganda ba ang langit? Siguro andaming pogi dyan nuh? Hehe. Uyy may chika ako sayo, sorry talaga sis ah. Kasi nung isang araw may nangyari eh. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sana mapatawad mo ako. Nga pala, ano ba yung ibig sabihin mo sa panaginip mo na tulungan ko siya? Sure ka ba dun? Ang hirap kasi ng pinapagawa mo eh. Ikaw naman kasi, masyado mong ginayuma kaya nagkaganun. Hahah joke lang. Teka, sabi mo sakin na makulit siyang kausap. Bakit parang kabaliktaran sa sinasabi mo ang pinapakita niya? Pssh. Pero dont worry sis, gagawin ko ang makakaya ko para makatulong. And sorry talaga sis dahil hindi ko mapigilan na magkagusto sa kanya eh. Ikaw naman kasi eh, binilin-bilin mo pa sakin noon na kunin lahat ng sulat niya sa puntod mo ayan tuloy nainlove ako sa kanya. huhuhu pero okay lang naman sayo dba? Hihi. Dont worry, hindi ko papalitan ang pwesto mo sa puso niya. I love you sis. Sana nagkasama pa tayo ng matagal."

Gagawin ko ang lahat para sumaya ka ulit. Pangako yan.

Hinding hindi kita bibiguin dahil ikaw ang kaligayahan at pinakamamahal ko. I will not waste this opportunity that the heavens showered upon me to be with you even for a while.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color