So It's You
By Bing
Date: January 16, 2022
Ch. 5Phantasy


"Hun? Alam ko na naiinis ka na kasi hindi pa rin kita mabitawan. Ano ba magagawa ko? Tinamaan ako ng sobra sayo. Mahal na mahal kita. Bakit mo ba kasi ako iniwan? Akala ko pa naman magpapakasal tayo sa pinakamatandang simbahan dito sa Pinas? Diba yun ang gusto mo? Akala mo ba gusto mong malibot ang Pinas kasama ako? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako iniwan? Ang daya-daya mo. Iniwan mo akong mag-isa dito at lugmok na lugmok na ako. Sa nakalipas na dalawang taon pinilit kong kalimutan ka pero hindi ko nagawa, hindi ko kaya. Sa tuwing mag-isa ako palagi kang pumapasok sa ulo ko. Naalala mo yung una nating pagkikita sa Greece? Grabe yun. Hate na hate kita nung time na yun dahil pinahiya mo ako at nagpromise ako sa sarili ko na kapag nagkita tayo ulit ay sasaktan kita pero kabaliktaran ang nangyari. Minahal kita ng lubusan pero iniwan mo ako. Hindi ba pwede na bumalik ka nalang dito? Hun bali--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan ni hindi ko pa rin siya kilala. Nakapikit pa rin ako habang hinahalikan niya ako. Finifeel ko na lang na siya si Blaze. Naramdaman ko na may luha na tumulo sa aking mukha galing sa kanya.

Tumigil na siya sa paghalik sa akin habang ako ay naiwan na nakapikit pa din. Hindi ko namalayan na umalis na pala siya. Idinilat ko ang mga mata ko at may nakita akong isang papel sa tabi ko. Binuksan ko ito at binasa ang nakalagay;

"Maybe we're perfect strangers"
x

----

"Saan ka galing Isa? Bakit ngayon ka lang umuwi?"

Ugh.

Wala ako sa mood sumagot ngayon Francis. Sorry pero kailangan ko matulog dahil wala akong tulog buong gabi.

Flashback

Pagkatapos kong nabasa yung sulat niya ay hinanap ko siya. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

Kung saan-saan ko siya hinanap. Bumalik ako sa store kung saan kami nagkita. Pumunta ako sa park baka sakali nandun siya pero wala. Walang akong makita.

Saan pa ko ba siya hahanapin?

This is hopeless!

Babalik nalang ako sa bench kung saan kami nakaupo kanina.

Ahh! Nakakapagod maghanap. Mabuti pa makinig nalang ako ng musics. Habang nakikinig ako ng music ay biglang pumasok sa utak ko ang isang pangyayari na nangyari kanina-kanina lang

Dejavu!

Ommo!

Naaalala ko na!

Hindi ko siya sa sementeryo unang nakita kundi sa isang pinoy resto sa Korea.

Kaya pala parang pamilyar na ang mukha niya hindi dahil sa magkamukha sila ni Blaze.

"Sir, di po pwede matulog dito sa bench dahil may curfew na. Mabuti pa umuwi na po kayo"

Ugh. Nakakainis naman tong si kuya guard. Pupunta nalang ako sa store namin para asikasuhin ang pinaaayos ni papa ng maaga.

End of flashback

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Royce. Ewan ko ba kung bakit pa kami nags-share ng kwarto eh mag guest room naman.

-__-

"Oh bro, kumusta? Ang laki na ng eyebags mo. Haha"

Tss.

"Pwede ba? Umalis ka muna dito sa kwarto at matutulog ako"

Eh sa pagod na talaga ako.

"Haha baka nakakalimutan mo na bahay ko to bro"

Whatever.

"At baka nakakalimutan mo din na nakikitira lang din kayo sa condo ko sa Korea"

See? Lumalabas ang pagiging jerk monster ko kung kulang ako sa tulog at wala ako sa mood.

"Geez. Relax bro. Im just kidding. So serious"

Ahhhh! Pwede ba umalis ka na Royce. Pagod na Pagod na pagod na ako.

"Go out now!!!!!"

Humiga ako ng patalikod pagkatapos ko sumigaw.

"Okay okay. Hahah"

Salamat naman at umalit na din ang gago. Makakatulog na ako sa wakas. Kailangan bumalik ang sigla ko dahil hahanapin ko pa yung babaeng yun.

~

DREAM WORLD

"Heey, Mr.Model"

Huh? Sino yun? Si Blaze ba yun? Siya lang tumatawag sa akin ng ganun.

"Blaze?"

Nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita?

"Mr.Model? Nandito lang ako. Nasa tabi mo ako palagi. Hindi kita iiwan kahit kailan man pero kailangan mo na akong bitawan dahil hindi ako matatahimik"

Ano ba pinagsasabi niya?

"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?"

Laking gulat ko ng mapunta ako sa isang lugar na napakadilim at pinapalibutan ako ng hindi lang isa kundi napakaraming Blaze.

"Hindi ako ang nakalaan para sayo Matthew. May makikilala ka pang iba at siya ang mahalin mo ng lubusan"

Nilapitan ko ng isa-isa si Blaze ngunit naglalaho ito kapag hinahawakan ko na.

"Blaze? Blaze? Wag mo akong iwan please. Please hun. Hindi ko kaya na wala ka"

Isang Blaze nalang ang natira at ngumiti siya sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko saka ako hinalikan sa noo.

"Kaya mo. Ikaw pa"

At biglang nawala si Blaze. Naiwan akong mag-isa, umiiyak.

~

Reality

"WAAAAAAAAAAAAAG! BLAZEEEE WAG MO AKONG IWAN PLEAAAASE!!"

Sigaw ko. Hindi ko alam na totoo pala yung pagkasigaw ko at narinig yun nina Francis at Royce.

"Isa? Isa? Gumising ka Isa!!"

Hindi ako makagalaw. Hindi ko kayang idilat ang mga mata ko. Hindi ko kayang umalis sa lugar na yun.

"Bro? Gumising ka dyan uyy. Baka gusto mong halikan kita sa lips"

Tinap nila ako ng tinap pero hindi pa rin ako makagalaw. Parang may magnet sa buong katawan ko.

"Blaze please. Bumalik ka!! Wag mo akong iwanan"

Pinisil ni Francis ang fingers ko at dun lang ako nakagalaw pa.

"Okay ka lang ba Isa? Mukhang binabangungot ka. Kumuha ka ng tubig Rojo"

Lumabas si Royce sa kwarto at dumiretso sa kusina.

"A-anong nangyari? Nasaan si Blaze? Nakita mo ba siya love?"

Tiningnan ko ang mukha ni Francis na halatang naiiyak na.

"W-wala na si Blaze, Isa. Matagal na siyang wala. Hindi na siya babalik"

Niyakap niya ako at doon na nagsimulang pumatak ang luha ko, ramdam ko din na umiiyak si Francis.

"H-hindi totoo yan. Kasama ko lang siya kanina pero umalis siya. Babalikan niya din ako, tayo. Diba love?"

Hindi umimik si Francis, sa halip ay hinagod niya ang likuran ko habang umiiyak siya.

"Isa hindi na babalik si Blazey girl. Miss na miss ko na din siya pero kailangan natin tanggapin na wala na siya"

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at umiyak ng husto. Cry baby na kung cry baby pero ang sakit eh.

Im broken.

"Isa pakawalan mo na si Blaze. Alam ko na nasasaktan siya ngayon sa nakikita niya. Dapat masaya ka para sasaya din siya. Hindi siya malalagay sa tahimik kung hindi mo siya bibitawan"

Hindi ko kaya...

"I cant love, I dont think I can"

Hinarap niya ako at pinunasan ang mga luha ko sabay ngiti.

"Kaya mo. Ikaw pa"

Kaya mo. Ikaw pa.

Kaya mo. Ikaw pa..

Kaya mo. Ikaw pa...

Kaya mo. Ikaw pa....

Yan mismo ang sinabi niya sa akin sa panaginip.

Panaginip lang pala talaga yun. Imahinasyon at pantasya.

Panaginip lang ba talaga yun? Bakit parang totoo? Nararamdaman ko yung halik niya sa noo.

Kaya ko ba talagang gawin ang gusto niyang mangyari?

Kaya ko bang bitiwan siya?



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color