Naalala niyo yung ginawa ko kahapon sa bahay? Well, pagkauwi ko nakita kong natutulog ang dalawa sa labas ng bahay.
Boo yeah! Buti nga sa kanila. Iwanan ba ako mag-isa dito sa napakalaking bahay nila. Pssh.
"Hooy bro, saan ka pupunta?"
Ugh. Ang aga-aga, ang ingay ng lalaking to at talagang may pa-back hug siyang nalalaman ahh. Yuck.
"Uyy ano ba Royce, wala ako sa mood ngayon para mag-bromance."
Tinganggal niya ang mga braso niya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Geez. Chill bro"
Sorry talaga Royce pero wala ako sa mood. Hindi pa ako nakakarecover.
"Ano ba kasi nangyari kahapon Isa? Saan ka nagpunta at saan ka na naman pupunta ha?"
Hay naku Francis. Ewan ko. Hindi ko masasagot ang mga tanong mo basta gusto ko lang mapag-isa ngayon.
"I dont know love. I just want to be alone right now."
At lumabas ako ng bahay.
~
Nasa park ako ngayon, naka-earphones para walang disturbo. Ewan ko. Gusto ko talagang mag-solo flight ngayon.
-__-
Ano ba tong nakikita ko. Puro magkasintahan na naglalandian. Ugh. Nasaan na yung mga bata na kalaro namin ni Blaze dati? Bawal na ba ang mga bata dito? Kailan pa to naging Lover's Park?
Ugh.
Pupunta nalang ako sa seven eleven at kakain ng ramen noodles. Nakakamiss din yung process na noodles kasi puro homemade yung kinakain ko dun sa condo sa Korea.
Habang feel na feel ko ang pagkain ay feel na feel ko din ang music ni Justin Bieber na Down To Earth kaya napapa-sway yung ulo ko. Di ko namalayan na may katabi na pala ako sa mesa, napansin ko lang yun nung parang nafeel ko na may nakatitig sa akin.
And guess what?
"B-Blaze?"
Tinanggal ko ang earphones ko habang nakatitig pa rin sa kanya. Nginitian niya ako, nanaginip ba ako? Nasa langit na ba ako? Lord, wag niyo na akong gisingin pa.
"Ikaw ba talaga yan hun?"
Hindi pa rin ako kumukibo at ganun din siya. Hindi niya ako sinagot.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Shet. Naiiyak ako. Miss na miss ko na tong babaeng to. Ayoko ng pakawalan to.
"Uhm, you can let go now"
Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Bakit?
"May problema ba hun?"
Tiningnan niya ako ng may pagtataka.
"Uhm, hindi kita kilala and im not Blaze."
Huh? Impossible. Hindi. Siya to. Si Blaze to. Hindi ako maaaring magkamali.
"A-nong hindi ikaw?"
Blanko na ang tingin niya sa akin.
"Im not Blaze. Whoever she is, I dont know her. Kaya lang naman ako umupo dito kasi puno na yung ibang tables so please let's just mind our pwn business. Okay?"
Paanong hindi siya? Kung hindi siya? Sino siya? Bakit siya nagpakita sa akin?
"S-sorry."
Binalik ko na yung earphones ko at pinagpatuloy ang pagkain ng noodles.
Teka.
Siya ba yung nagpunta sa puntod ni Blaze?
"Uh Miss, pwede magtanong?"
Hininaan ko ang volume ng music kasi tinatamad akong tanggalin ang earphones ko, siya naman ay tumango lang at patuloy sa pagkain.
"Ikaw ba yung dumalaw kay Blaze noong isang araw?"
Tiningnan niya ulit ako at halatang pinipilit niya na balikan ang mga pangyayari.
"Oh that. Yes. Nagkamali pala kami ng pinuntahan akala ko siya yung kaibigan namin. Bakit?"
So siya nga talaga yun. Kaya pala magkamukha talaga.
"W-wala. Kasi magkamukha talaga kayo ng girlfriend ko eh. Kaya sorry kung niyakap kita ng walang pahintulot"
Ngitian niya naman ako. Sa tuwing ngingiti siya ay naalala ko lang si Blaze. Parehong pareho kasi eh. Yung mukha nila, yung ngiti. Ang pinagkaiba lang nila ay ang mga mata dahil kay Blaze ay hindi pantay ang eyelids niya.
"It's okay. I get that a lot. Marami daw kasi akong kahawig"
Ngumiti nalang din ako at nilakasan ulit ang volume at kumuha ng soda dahil ubos na ang cup noodles ko.
"It was nice sitting next to you but I gotta go."
Tumayo na siya at maglalakad na sana pero pinigilan ko siya kaya di siya nakalakad.
"Ahh kasi, p-pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Kahit nakakahiya kailangan kon itanong sa kanya, malay natin si Blaze talaga yun at na-amnesia lang siya.
Blaze's Full name is Blaze Cassandra T. Ang. Sana naman kahit isa sa mga pangalan ni Blaze ay magtugma sa kanya.
"It's a secret"
Tinggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya ang naglakad palabas ng store.
Ahh!
Susundan ko siya. Di pwede na hindi ko malaman ang pangalan niya. Mamatay ako sa curiousity kapag di ko nakuha pangalan niya.
~
Sinusundan ko lang siya ngayon kung saan siya pupunta. Alam ko na nararamdaman niya na sinusundan ko siya pero ayaw niya pa din huminto.
Nakakapagod tong babaeng to pero I wont give up. Not now!
"Babe!"
Oh. Sht.
Yung boyfriend niya? Ang laki pa naman ng katawan. Siguro nag-ggym to palagi.
Nilapitan niya ang lalaki at saka hinalikan sa pisngi pero mukhang napansin yata ako ng bouncer este boyfriend niya.
"Sino siya?"
Lumingon naman si, si, ugh. Ewan ko kung anong pangalan niya basta lumingon siya at nakita niya ako pero hindi na siya nagulat.
"He's my friend. Mauna ka na at mag-uusap lang kami"
Tumango ang boyfriend niya at naglakad papuntang sasakyan. Naiwan kaming dalawa ni ewan ko dito sa bench.
"So?"
Tanong niya sa akin habang nakatingin sa malayo.
"Huh?"
Pagp-pretend ko na wala akong alam.
"Bakit mo ako sinusundan? Stalker ba kita?"
Ugh. Grabe. Stalker agad?
"Kung stalker ako edi sana alam ko na pangalan mo"
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na ngumiti siya ng slight.
"Bakit mo kailangan ang pangalan ko? Papakulam mo ba ako? Gagayumahin?"
Wow. Iba din tong babaeng to eh.
"Aish! Gusto ko lang masigurado kung ikaw o hindi ikaw si Blaze. Desperado na ako"
Yup. Desperate jerk here!
"I cant tell you my name yet. Maybe someday you'll know my name, who knows. But one thing is for sure, I am not Blaze. Magkaiba kami ng girlfriend mo na matagal ng wala"
Hindi ko alam pero parang nadurog ang puso ko pagkasabi niya na matagal ng wala si Blaze. Pumatak na naman ang mga luha ko.
(P.S BOYS CRY TOO)
"Ganun ba"
Niyuko ko yung ulo ko at tumingin naman siya sa akin. Ugh. Nakakahiya ka Matthew! Para kang batang inigawan ng ice cream.
"Look, im sorry about what I said. Let me make it up to you. Pumikit ka at magp-pretend ako na ako si Blaze at sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo ngayo, sabihin mo lahat-lahat"
Hinarap ko siya at pumikit. I hope this works.
SettingsX | ||||||||||
|