So It's You
By Bing
Date: January 16, 2022
Ch. 3Unanswered Question


"Blaze? Hun? ikaw ba talaga yan? Buhay ka? P-paano?"

Gulat pa rin siya pero may halong takot na ang expression ng mukha niya.

"Yaaah! What do you're doing?"

Napatingin naman ako sa katabi niya. Shet. Oo nga pala may boyfriend siya.

"S-sorry. Akala ko kasi ikaw yung girlfriend ko"

Tumingin naman yung lalaki sa girlfriend niya.

"Sorry din dahil napagkamalan namin na yun ang puntod ng kaibigan namin pero hindi pala. Let's go babe"

Ugh. Nakakainis pakinggan ang "LETS GO BABE" edi wow. Edi siya na.

Tinanggal ng babae ang kamay ko sa mukha niya at naglakad papuntang sasakyan nila.

Naglakad ako palapit sa puntod ni Blaze.

"Blaze."

Ikaw ba talaga yun? Paano ka nabuhay? Hindi ko naiintindihan, please naman oh. Naguguluhan ako. Bakit ka may kasamang iba? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Naglakad na sila papalayo pero hindi ko pa rin nasilayan ang mukha ng babae. Ganun ba siya kapangit? Tss. Kung nakita niya lang sana ang mukha ko for sure hihiwalayan niya ang boyfriend niyang singkit.

Tinitignan ko pa din silang dalawa habang naglalakad sila papunta sa isang sasakyan ng makita ko na may naiwan na purse ang babae. Ugh. Kainis naman oh. Bakit ba kailangan maiwan ng bag na to?

Tumakbo ako papunta sa kanila. Hingal na naman as usual.

"Teka! Sandali lang!!"

Nang maabutan ko ang babae ay hinawakan ko ang kamay niya dahil hingal na hingal na talaga ako kaya napaupo ako sa lupa.

"N-nakalimutan mo yung b-bag mo"

Inabot ko sa kanya ang purse sabay tingin pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"B-blaze?"

Kinuha niya naman agad ang bag niya at may gulat sa kanyang mukha. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay.

---------

Dumiretso ako ng uwi sa bahay nina Royce at Francis kahapon.

Nasaan na kaya yung dalawang yun? Bakit ang tagal nilang makabalik dito sa bahay. Ugh. Wala akong mapagtatanongan sa mga tanong ko.

Aha! Si tito Eli nalang. Baka hindi siya busy ngayon. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila para makapag-usap kami ng personal at masagot niya ang mga katanungan na kahapon pa bumabagabag sa loob ko.

Teka, may naisip ako. *Evil Smile* Isasara ko lahat ng pinto dito sa bahay at dadalhin ko ang susi para hindi sila makapasok. *Evil Laugh*

Ugh.

Wala pala akong sasakyan, magt-taxi na naman ako. Hay naku! Bakit ba kasi hindi ako bumili ng sasakyan? Nakakainis naman oh.

-____-

Ano ba naman to. 30 minutes na akong naghihintay pero wala parin. Huhuhu

Oh wait! May paparating, sana naman taxi please!!!!!

~__~

Jeep? Seriously? Jeep talaga? Ugh. Hindi na ako sanay sumakay ng jeep ngayon dahil walang jeep sa Korea megerd.

"Sasakay po kayo sir?"

Tinatanong pa ba yan? May choice ba ako? +_+

"Uyy bigyan niyo ng space para may maupuan yung tao"

Tama manong konduktor, kailangan ko talaga ng space kasi masyado ng masikip ang puso ko baka hindi ako makahinga.

"Salamat po manong"

Dba? May manners naman ako eh. Wala lang talaga ako sa mood. Argh. Humanda talaga yung dalawang yun. Naglalandian na naman siguro.

"Uyy kuya parang pamilyar ang mukha mo"

Ano ba miss, ofcourse kilala mo ako kasi kilala ako ng lahat eh. Sa gwapo kong to? Pssh.

"Ahh hehe ganun ba? Baka naman kamukha ko lang yun"

Pahumble effect naman tayo dyan para mas lalong gagwapo. :P

"Hindi kuya eh. Ikaw talaga yun, yung model sa isang clothing compang at yung nagtrending sa balita dahil may hinalikan kang babae 2 years ago"

<_<

Pwede ba miss. Tumigil ka na. Matagal ko ng kinalimutan ang kahihinayan na yun. Kung di dahil sa saleslady na yun eh hindi sana mangyayari yun pero nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nahalikan ko ang pinakamagandang babae sa mundo at langit ng dahil dun.

"Ahh ehh"

"Kuya pwede pa-selfie?"

Tinanguan ko nalang siya at kinuha niya ang cellphone niya nag-selfie kaming dalawa.

My gosh, matagal pa ba? Bakit parang ang bagal ng takbo?

~

Nasa loob na ako ng bahay ni Tito. Yes, kanina pa ako nakarating dahil bumaba ako ng jeep at sumakay ng taxi dahil di ko na talaga kaya ang init at bagal.

"Oh Matty boy, naparito ka?"

Didiretsuhin ko ba o hindi?

"Ahh kasi tito ano eh,"

Pssh. Di mo naman pala kayang diretsuhin eh. Hina mo!

"Ano yun? May problema ba?"

Nag-aalalang tanong ni tito. Hay, masyadong maaalahanin tong si tito.

"Wala naman po tito. May gusto lang po sana akong itanong"

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"Sige ano ba yun?"

Ugh. Paano ko itatanong to?

"M-may kamag-anak po ba kayo na Korean na kamukhang-kamukha ni Blaze?"

Halatang gulat ang ekspresyon ni tito. Ewan ko ba pero parang nabuhayan ako ng loob, dahil baka kilala niya o di kaya'y si Blaze talaga yun.

~

SOMEONE'S POV

"Hanggang kailan ka ba magtatago? Hindi mo ba gustong makilala ang papa mo?"

Para saan pa? Hindi nga niya ako hinanap. Ni hindi nga niya ako pinaglaban. Hindi niya sinabi sa akin na wala ang kakambal ko.

"What for? He doesnt even know I exist so why bother?"

Tiningnan ko siya ng diretso at tumingin naman siya sa akin na parang naawa saka pinaandar ang kotse papuntang sementeryo.

Masama ba? Hindi naman niya ako kilala so bakit pa ako magpapakilala? Wala naman akong halaga sa kanya.

~

Matthew's POV

"Ano pinagsasabi mo Matty boy? Hindi kita maintidihan"

Liar. I know you know. Tss.

"Kahapon po kasi tito, may nakita akong dalawang tao. Lalaki at babae na dumalaw sa puntod ni Blaze, laking gulat ko lang dahil magkamukha talaga sila ni Blaze. Tito, si Blaze ba yun? Buhay pa ba si Blaze? Tinatago niyo lang po ba siya sa akin?"

Pumatak ang mga luha ko kaya nilapitan ako ni Tito. Lately napansin ko na masyadong mababaw ang luha ko.

"Matagal ng wala si Blaze. Magkatabi pa nga kayo nung mga oras na nawala na siya so bakit ko itatago sayo ang anak ko? Kung kaya ko lang siyang buhayin ulit para makasama natin siya matagal ko ng ginawa pero wala eh. Hindi ako ang Diyos, Matthew. Akala ko ba okay ka na? Bakit hindi subukan bitawan si Blaze at maghanap ka ng ibang mapaglilibangan"

Niyakap ko nalang si Tito. Tama siya, hindi pa talaga ako naka-move on kaya nakikita ko si Blaze sa ibang tao. Ang hirap gawin, parang hindi ko kaya.

"S-sige tito. Uwi na muna ako"

Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay ng taxi pauwi.

ARRRRRRRRRRGH!!! ANG SAKIT SAKIT PA RIN! ANG HIRAP TANGGAPIN NA HINDI KO NA TALAGA SIYA MAKAKASAMA PA.

Blaze, bakit mo ba ako iniwan? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color