So It's You
By Bing
Date: January 16, 2022
Ch. 2Death Anniversary


Simple lang naman ang napag-usapan namin kahapon. Mags-sermon lang si Pastor sa puntod at pagkatapos ay uuwi na kami at ang ibang kamag-anak ni tito sa bahay para kumain.

Magpapalipad din kami ng puting balloons at papalibutan namin ng white gumamela at roses ang puntod ni Blaze dahil paborito niya ang mga ito.

"Bro nandito na si Pastor. Magsisimula na raw. Umupo na tayo sa harapan"

Yaya sakin ni Royce kaya sumama ako sa kanya papuntang harapan.

Habang nagsasalita si Pastor ay naalala ko naman yun mga panahon na magkasama kami ni Blaze. Yung mga oras na masayang masaya kaming naglalakbay sa iba't ibang parte ng Pinas.

Ang kumikinang niyang mga mata kapag binibigyan niya ako ng pinakamatamis niyang tingin. Ang maamo niya mukha. Ang weirdo niya ugali. Bipolar ata yung babaeng yun. Ang pagiging positive thinker niya, kahit nasa hospital na siya ay palagi siyang ngumingiti at tumatawa.

Ang pagiging selosa niya sa tuwing lalapitan ako ng ibang babae at kakausapin ako ng mga babae. Napakaselosa talaga, pati bata pinagseselosan niya. Ang pagiging possessive niya, gusto niya siya lang titignan ko sa tuwing magkasama kami.

"Huuy bro, para lang sira. Kanina umiiyak ka tas ngayon naman nakangiti ka. You're scaring me bro"

Napatawa nalang ako dahil sa reaksyon ni Royce. Di ko naman kasi namalayan na tumulo mga luha ko.

Kakatapos nga lang pala ni Pastor mag-sermon.

"Matty boy, punta na tayo sa bahay"

Tinawag ako ni Tito na nasa sasakyan na kasama si Francis at Royce.

Lumapit ako sa kanila kasi ayoko sumigaw baka magising ang mga patay. :P

"Susunod na lang po ako tito."

Nagtinginan silang tatlo sa isa't isa saka tumingin sakin. Ehh? Ano problema nila?

"Sure ka ba bro?"

"Gusto mo ba samahan kita Isa?"

"Mamaya nalang din kami aalis Matty boy."

Grabe ahh. Yung concern nila lagpas langit na. Ano ba sa tingi nila gagawin ko dito?

"Naku kayong tatlo. Im staying here because I want to have a quality time alone with my girlfriend so please, leave already. Please."

Sagot ko sa kanilang mga tanong na walang sense. Akala ba nila magpapakamatay ako? Hindi nuh. Alam ko naman na hindi ko rin matutuloy yun at alam ko din na mapupunta ako sa hell kung magpapakatay ako kaya hindi pa rin kami magkikita ni Blaze kung sakali. So walang point na magpapakamatay ako.

"Go guys. Im alright. I wont lacerate anymore. Dont worry about me okay? Gusto ko lang makasama si Blaze ng matagal kasi two weeks lang naman stay natin dito at hindi ko na siya madadalaw kapag nasa Korea na tayo."

Binigyan ko sila ng ngiti at tumango naman sila. Pumasok sila sa sasakyan at pinaandar na yun. Ugh. Naalala ko nga pala, wala akong sasakyan kaya paano ako uuwi? Bahala na! Gagamitin ko na lang ang charm ko. Haha

.......

Naiwan nga pala akong mag-isa ngayon. Hay salamat naman. Magkakaroon na rin kami ng quality time ni Blaze. Lumapit ako sa puntod ni Blaze at sumandal.

"Hi hun, kumusta ka na? Masaya ba dyan sa langit? Hindi ba sila na-aannoy sa ugali mong pa-iba2? Baka naman nakahanap ka na ng iba dyan ah. Hmmp. Magtatampo talaga ako sayo ng sobra. Hehe joke lang! Alam ko naman na mahal mo talaga ako eh, sa gwapo kong to? Walan sinuman ang makakalagpas sa kagwapohan ko nuh. Bleeeh! Miss mo na ako nuh? Huh. Malamang miss mo na ang pogi kong mukha. Wag ka mag-alala, miss na miss na miss na miss din kita kaya it's a tie. Kailan kaya tayo magkikita muli? Makakahanap pa kaya ako ng ibang babaeng mamahalin kung ikaw lagi ang nasa puso't isip ko? Ugh. Sorry hun. Nagdadrama na naman ako. Hahahah alam ko ayaw mo na ng drama kaya hindi na ako magd-drama pa."

Actually, hindi pala ako mag-isa sa sementeryo kasi maraming bisita ang katabing puntod ni Blaze. Naku. Wag naman sana nila akon mapagkamalan na baliw dahil kinakausap ko ang patay.

*Stomach Crumbles*

Pssh. Hindi pa pala ako kumakain. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng baon eh. Disturbo tuloy tong gutom na to.

"Sandali lang hun ha? Bibili muna ako pagkain kasi nagugutom na ang mga alaga ko. Babalik din ako kasi hindi ako katulad mo na hindi na babalik. Hahaha joke lang!!"

Umalis agad ako papuntang bakery. Sana naman may malapit dito na bakery para makabalik agad ako. Gusto sulitin ang oras ngayon dahil magiging busy na ako sa susunod na mga araw dito sa Pinas.

Hindi ko naman hilig ang business pero napag-utusan akong icheck ang isang branch ng mga damit namin dahil may kumukuha daw ng mga kita dun. Nakakainis nga eh. Magmumukha tuloy akong security guard. Model ako for pete's sake!!

Ahhh! Finally, after 69000000 years nakahanap na rin ako ng bakery. Magbunyi tayo!

"Excuse me miss, I'll have five cinnamon buns and mountain dew soda"

Tawag ko dun sa saleslady na mukhang nagpapacute sa akin.

"50 pesos po lahat sir"

Aba! Tama nga ako. Lakas talaga ng sex appeal ko eh. Ngitian ko nga to para mas lalo siyang kiligin.

"Here you go miss ;)"

Hahahaha nakakatawa yung mukha niya. Pulang pula. Akala mo naman sinabihan ko ng I LOVE YOU. Pfft. As if.

"E-enjoy your food sir"

........

Nasa loob na ako ng sementeryo pero medyo malayo pa sa puntod ni Blaze. Wala na din masyadong tao sa kapitbahay niya kaya wala ng titingin sa akin ng masama.

Binilisan ko ang paglakad para makarating agad pero may napansin akong kakaiba. Bakit may dalawang tao na nasa puntod ngayon ni Blaze?

"Uh, e-excuse me Miss. Sino po kayo? Kamag-anak ka ba ng girlfriend ko? Bakit ngayon kita nakita?"

Tinanong ko siya kahit hingal na hingal ako sa paglalakad. Ugh. Kulang na ako sa cardio exercise.

"Mianhe. I'll just go ahead"

Korean? May kamag-anak na Korean sina tito? Aba matindi. Akala ko Chinese lang ahh.

"Let's go babe"

Ohh. So may boyfriend na siya. Koreano din pero mukhang may lahing pinoy.

Naglakad na sila papalayo pero hindi ko pa rin nasilayan ang mukha ng babae. Ganun ba siya kapangit? Tss. Kung nakita niya lang sana ang mukha ko for sure hihiwalayan niya ang boyfriend niyang singkit.

Tinitignan ko pa din silang dalawa habang naglalakad sila papunta sa isang sasakyan ng makita ko na may naiwan na purse ang babae. Ugh. Kainis naman oh. Bakit ba kailangan maiwan ng bag na to?

Tumakbo ako papunta sa kanila. Hingal na naman as usual.



Comments
SettingsX
Font
Font size
Font color
Line spacing
Background color