Simula ng kwento
Minsan sa buhay ng isang tao, hindi maiiwasan ang magtanong ng mga bagay na kahit alam naman natin ang sagot ay pilit pa rin natin itong iniiwasan.
Minsan naman sa buhay ng isang tao ay may darating na hindi inaasahan at yun ang makapagbabago ng buhay mo pero hindi mo rin maiiwasan na minsan talaga ay may mga taong kailangan lumayo sa buhay mo para malaman mo kung gaano mo kamahal ang taong yun.
Pero paano kung tuluyan ka na talaga niyang iniwan? Kung hindi mo na siya muli pang masisilayan? Ang maamo niyang mukha, ang malaanghel niyang tinig, ang mapulang labi niya kasabay ang matatamis na ngiti at ang kumikinang niyang mga mata sa tuwing siya'y masaya. Paano kung hanggang sa alaala mo nalang lahat pwedeng balikan ang mga masasaya niyong oras?
May punto pa ba para mabuhay sa mundong ito?
Yan ang palagi kong sinasabi sa aking sarili.
Oo. Nawalan na ako. Hindi lang isang beses kundi marami, pero ang pagkawala niya ang pinakamasakit. Siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko, siya ang gusto kong maging ina ng mga anak namin, siya ang gusto kong pakasalan, siya ang gusto kong mahalin habang buhay. Siya lang at wala ng iba, pero madaya siya. Iniwan niya akong mag-isa sa mundong ito.
May mga pagkakataon na gugustuhin ko na lang magpakamatay para makasama ko na siya pero sa tuwing babalakin ko yun ay parang may pumipigil sa akin.
Ikaw ba yun hun? Ano ba gusto mo iparating at mangyari?
-------
Sa kasulukuyang daloy ng kwento.
Dalawang taon....
Grabe nuh? Dalawang taon na ang nakalipas simula nung iniwan ako ni Blaze. Akala niyo naman siguro okay na ako nuh?
Tandaan, marami ang namamatay sa maling akala kaya mag-ingat :P
Death anniversary niya bukas kaya noong miyerkules pa ako umuwi ng Pinas galing Korea. Doon pa din kasi ako nag-aaral and kasama ko pa rin yun tropang ewan ko, syempre kasama na si Petey. Eh sa wala siyang magawa dahil pinilit ko siyang mag-aral. HAHAHA
Kasama kong umuwi si Francis at Royce, nagpaiwan yung mokong na Pete dahil mangh-hunting daw siya ng chixx habang wala ako. Tss. Di kasi matinik sa chixx ehh. Si Allison at Mark naman ay nasa Paris parin kaya mukhang malabo na makadalo sila ngayon. Siguro magkakasama ulit lahat kami balang araw.
"Huuuy Isa! Sino ba kausap mo dyan? Kanina ka pa tulala ah"
Hinampas niya ako sa likuran. -___-
"Ouch love. Easy, mapupuruhan ang model body ko"
Pagbibiro ko nalang sa kanya. Ehh sa gusto ko kayong makausap kasi mas makikinig kayo kesa sa dalawa. Lagi nalang akong iniinggit eh.
"Suuus, arte mo bro. Mabuti pa punta na tayo sa bahay ni Tito Elijah para makapagplano"
Niyakap naman niya ako sa likuran. Dafuq is wrong with this guy.
"Uyy ano ba. Inlove ka na ba talaga sa akin bro? Sorry pero di pa ako nakakamove on eh"
Umalis naman siya sa pagkakayakap niya at binigyan ako ng masamang tingin. Alam ko na ibig sabihin niyan dahil araw2 kaming magkasama sa Korea eh kaya kilala na namin ang isa't isa.
Nga pala, hindi na homeschool ang baby Piper ko. Na-convince ko sina papa at tita-mama na sa isang regular school siya pag-aralin at pumayag naman sila, pero parang pag-sisisihan ko pa ang ginawa ko dahil marami na daw umaaligid sa kanyang lalaki. Argh. Ayoko pa naman na may ibang lalaki ang baby ko. Akin lang siya!!!
........
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay ni Tito Eli. Mukhang busy ang lahat. Well, si Tito at ang mga katulong niya. Hindi ko nakita na may kasamang babae si Tito. Hindi ko din kilala yung mama ni Blaze. Nakapagtataka.
"Matty booooy!"
Tawag saki ni Tito kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Tito" Bati ko sa aking tito
Binigyan ko siya ng masayang ngiti kasi mukhang masaya naman siya.
"Good to see you. Kumusta ka na? Pag-aaral mo? Nakakita ka na ba ng Koreana dun?" Tanong niya ako ng pabiro.
Aish. Sabi na nga ba eh. Dapat hinanda ko na ang sarili ko sa tanong na yan. Ugh.
"Naku tito, kung alam mo lang. Palay na nga lumalapit sa kanya tinataboy niya pa" Pang-aasar ni Royce sa akin.
Isa ka pa Royce ahh! Wag kang ano dyan. May pa tawa-tawa ka pang napalaman. Hindi naman kita inaano eh. Nako, ano ba tong nangyayari sakin.
"Pssh. Ano ka ba Rojo, hindi ikaw ang tinatanong ni Tito"
Mabuti pa tong si Francis. Buti nga sayo Royce! Sana mag-away kayo. *Evil laugh on my mind'*
"Oh sya sige. Mukhang ayaw sumagot ni Matty boy haha, mabuti pa magsimula na tayo"
Aba! Tinawanan pa talaga ako. Hindi ako clown kaya wag niyo akong patawanan huy.
Naglakad na sila papuntang garden pero hindi ako sumunod. Pumunta ako sa taas ng bahay at pumasok sa kwarto ni Blaze. Ganun pa din ang itsura, walang nagbago. Siguro pinapalinis talaga ito ni Tito.
Tumingin-tingin ako sa kwarto niya at nakita ko ang mga larawan niya noong bata pa siya. Hehe. Ang cute ng hun ko. Pero bakit may punit lahat ng baby photos niya? May kasama ba siya dito na matagal ng patay?
Nakita ko naman yung iba naming larawan at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa mata ko.
Kahit naman kasi dalawang taon na ang nakalipas hindi ganun kadaling makalimot. Madali lang sabihin na magm-move on na ko pero ang pala gawin. Akala ko nga nakapagmove on na ako eh pero hindi pa pala.
Simula kasi nung gabing nakita ko siya muli sa Korea hindi ko na makalimutan pa si Blaze. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako nung oras na yun pero hindi ko kaya. Hindi ko pa rin kayang mag-move on. Hindi ko pa rin pala tanggap na iniwan niya na akong mag-isa dito. May sugat pa rin ang puso ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilum.
Ang sakit sakit pa rin isipin na hindi ko na siya makakasama habang buhay.
SettingsX | ||||||||||
|