LUSH,
Galit kung tinitigan ang sarili ko sa salamin matapos na maghilamos ng ilang ulit. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa loob ng cr. Napadako ang tingin ko sa ngayon ay namumula ko ng labi. Mariin akong napapikit ng muling pumasok sa isip ko ang nangyare kanina. I saw that Astre's face in my mind while smirking. Galit kung sinipa ang katabi kong maliit na trash bin. Tumalbog iyon sa kung saang sulok ng cr, mabuti na lang at wala iyong laman.
Sa sobrang pagka-frustrate ay hinawi ko pataas ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.
"F*ck you! F*ck you! F*ck you!" Gigil kung sigaw. Ipinatong ko ang palad ko sa sink para supurtahan ang sarili ko. Napayuko na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para mawala sa isip ko ang nangyare. Ilang oras na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hawak nya at ang labi nya sa labi ko. Naramdaman ko ang muling pagtaas ng mga balahibo ko sa braso at batok ng maalala kung pano pinagsamantalahan ng Astre na yon ang labi ko. Nandidiri ako. Gusto kung masuka. Sana panaginip na lang to. I tried to slap my face to know if I'm dreaming but I'm not, it is real and I fucking hate it.
"Lush? You okay?" Rinig kung sigaw ni Clau sa labas ng pinto sinamahan nya pa iyon ng tatlong magkasunod na katok, "Lush, kanina ka pa dyan. Nag-aalala na ako, ano ba!" Sigaw nyang muli. Kinatok nya ulit ang pinto. Hindi ako makasagot. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko na basang basa na dahil sa paulit ulit kung paghihilamos. Binuksan ko na ang pinto at nag-aalalang mukha ni Clau ang nabungaran ko.
"Bat ang tagal mo?" May halong pagkainis na tanong nya. Nagkaroon na rin ng linya sa pagitan ng kilay nya.
Lumakad ako at sumunod sya. Tanging kibit balikat lang ang isinagot ko sa kanya. Ayaw kung magsalita. Naiinis ako sa Astre na yon. Naalala ko na naman ang sinabi nya. I don't look straight in his eyes? That fucking gay. Sya nga itong humalik sakin.
"Lush" tawag ni Clau. Napatigil ako sa paglalakad ng bigla syang humarang sa dinadaanan ko. Kunot ang noo kung tiningnan sya. I ask her 'what? ' using my eyes. Hope she could understand that.
"Sinong humalik sayo?" Tanong nya. Saglit akong napahinto at tumingin sa kanya. Nagtataka kung pano nya nalaman yon.
"You're saying what you're thinking," She rolled her eyes na parang nabasa na naman nya ang iniisip ko, "Now tell me who kissed you?"
Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung pano sabihin. Nagdiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen. Sya ang bumili ng pagkain ko dahil hindi ko na nagawang makatayo sa upuan dahil tinatamad ako. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nang makabalik sya inilapag nya ang salad sa harap ko at isang bottle ng mineral water saka naupo sa tapat ko. Binuksan ko ang bottle at uminom, sakto lang para mabasa ang lalamunan ko. Parehas lang kaming tahimik habang kumakain. Pinapakinggan ang ingay ng mga estudyante sa paligid namin.
Pinaglaruan ko ang salad gamit ang kutsara ko, pa-simple kung sinilip si Clau sa harap ko. Huminga ako ng malalim bago ilapag ang hawak kung tinidor, "It's Astre," saad ko dahilan para mapunta sakin ang atensyon ni Clau. Kumunot ang noo nya, nagtataka kung ano ang sinasabi ko, "It's Astre who kissed me," pabulong na sabi ko. Mahirap na dahil baka marinig pa ng kalapit namin, ma-issue na naman.
Saglit na huminto si Clau at tumitig sa harapan nya, parang hinihintay nya pang mag-sink in sa kanyang utak ang narinig, "w-what?" Tanong nya. Bagsak ang balikat kung tumingin sa kanya.
"Seriously, Clau? Ayoko ng ulitin," I rolled my eyes. Nakakainis. Kelan pa sya nabingi?
Ngumisi si Clau, "narinig ko, you mean si Sean? Why would he do that?" Curious na pang-uusisa ni Clau.
Nagkibit balikat ako, "he told that he's just going to get back what I stole from him, pinapalabas nya ba na sinadya kong halikan sya?" Pagrarant ko. Naaalala ko na naman kasi ang ginawa nya. Sean? Is that his name? I thought Astre ang pangalan nya. Maybe it's his surname or second---oh fuck I don't care.
"Oh my god!" Saad ni Clau. Tiningnan nya ako na parang naaawa sya sa kalagayan ko.
"Is he gay?" Tanong ko pa. Alam kong kilala nya ang Sean na yon dahil tumawag ito sa kanya last weekend para ipa-take down ang video sa website ng school.
"I-i don't know, we're not close, maybe he likes you?" Clau concluded.
" Kabahan ka nga sa sinasabi mo, Clau! " Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang malambot nyang labi nya. Ahhh--fuck you, Lush. Fuck you for thinking like that.
Hindi na lang ako nagsalita. Ibinaon ko na lang ang sarili ko mula sa pagkakaupo ko dahil sa kahihiyan.
Pagkatapos ng recess ay naghiwalay na kami ni Clau, pumunta sya sa office ni Tita Wins samantalang ako naman ay nagpaalam sa kanya na babalik na sa room namin. Payapa lang akong naglalakad sa hallway ng aksidenteng mapatingin ako sa unahan ko. Saglit akong napatigil at sa kamalas malasan ng buhay ko at sa dami ng taong makikita ko si Sean pa. Nasa unahan sya habang nakasandal sa pader na parang may hinihintay. Pinaglalaruan nya ang maliit na bato gamit ang paa nya. Wala akong ibang dadaanan kundi sa harap nya kaya wala akong ibang choice kundi ang magpanggap na hindi ko sya nakita mukha namang hindi nya pa ako napapansin dahil nanatili pa rin syang nakayuko.
Lumakad ako palapit sa kanya at akmang lalampasan na sya ng bigla syang magsalita, "Lush," he called my name. Hindi ko na nagawang makahakbang dahil sa narinig. Nakahinto lang ako pero hindi ko sya nilingon. Pano nya nalaman ang pangalan ko? Wala namang ibang tao dito para isipin ko na baka kapangalan ko lang. Hindi rin ako nagsalita. Narinig ko ang hakbang nya palapit sa'kin hanggang sa makita ko ang mukha nyang nakangisi sa harap ko, "hi" bati nya.
"Problema mo?" Mababakas ang pagkainis sa boses ko ng itanong ko iyon.
"Woah! Woah! Chill bro"
How am I supposed to chill when he's in front of me. My hands are getting itchy to punch him on the face. Dumeritso ako sa paglalakad mukha namang wala syang maayos na sasabihin at nandito lang para ipaalala ang ginawa nya kanina.
"Oops!" Muli syang humarang sa dinadaanan ko. Napakunot na ako ng noo.
"Ano?" Sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang at walang masyadong dumadaan na estudyante. I can shout at him as long as I wanted, "anong problema mo? Tangina hindi pa ba sapat yong ginawa mo?" Galit kung saad. Masayahin akong tao pero nagkakaroon ako ng anger issues kapag sya kaharap ko.
" It was just a dare, "
" Ano? " I asked again.
" I said, it was just a dare, kissing you, it was a dare," he admitted. Kinamot nya ang ibabaw ng ilong nya gamit ang index finger nya. I did hear him but I want him to apologize to me for what he did not to repeat what he just said.
"Tangina mo pala e," Mura ko. Itinulak ko sya. Hindi sya bumagsak pero napaurong sya. Napipikon na talaga ako sa lalaking to. Nung una pa lang di ko na gusto presensya nya e. Kung alam ko lang na mangyayare to sana sa ibang school na lang ako nagpatransfer kay mama, "Mukha ba akong biro sayo?" Ang kapal ng apog nya.
"I'm sorry! " He said in a low and soft voice. Saglit akong natigilan sa narinig. Nagsosorry ba sya dahil pinaglaruan nya ako?
"I'm sorry for doing this," kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Kinuha nya ang cellphone sa kanyang bulsa at may pinindot pagkatapos ay iniharap nya iyon sakin. Bagsak ang panga ko ng mapanood ang video na nakaplay sa screen ng cellphone nya. Kaninang umaga yon, sa lumang building kung saan nya ako hinalikan.
"What the fuck?" Akmang kukunin ko ang cellphone sa kamay nya pero agad nya iyong nailayo sakin at agad na ibinalik sa bulsa nya, "tangina, ano bang problema mo? Ha?"
"Simple lang, I want you to have a deal with me," he said, smirking, "at pwede bang tumigil ka sa pagmumura?"
"I fucking don't want to, "
" I'll kiss you again, " pagbabanta nya.
" Fuck yo---" agad akong huminto sa pagsasalita at itinikom ang bibig ko ng marealize kung ano ang sinabi nya. I heard him chuckled. Fuck him! Fuck him a million times.
" What kind of deal? " Tanong ko. Pinilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil baka mamura ko na naman sya.
He shrugged. Paika-ika syang lumapit sakin. Napatingin ako sa kaliwang paa nya, "well, as you can see hirap akong lumakad, I was injured on the day that accident kiss happened and it's all your fault, " parang nagpantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi nya. Pinipilit nya talaga na sinadya ko ang nangyare.
"Bakit kasalanan ko? Sino ba ang tanga lumaro?" Pambabara ko pero hindi nya ako pinansin.
"Next week na ang championship at hindi ako makakalaro, so here's the deal, kapag nanalo ang team ko you will do what I want you to do pero kapag natalo ang team ko I'll do what you want, deal? " Saad nya habang abot tenga ang ngisi sa mukha nya. Sandali akong napaisip dahil sa sinabi nya. Noong napanood ko ang practice nila, sya lang naman ang nagdadala ng laro e pero ngayong wala sya sa team niya at hindi sya pwedeng lumaro paniguradong bonak ang mga ka-team nya, there's a chance na matalo sila. Kapag natalo sila, he will do what I want him to do and I want him to leave me alone.
And without any second thoughts, "deal," I answered. Nilahad nya ang palad nya para makipag shake hands pero hindi ko iyon tinanggap pero imbes na ilayo ang kamay nya sakin ay sya na mismo ang kumuha sa kamay ko para makipag-shake hands. Agad ko naman iyong binawi ng maramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa balat ko.
"And oh I almost forget," itinaas nya ang cellphone na hawak nya, "kung may balak kang takasan ako, mapipilitan akong ikalat to," pambabanta nya. Isang masamang tingin lang ang itinuon ko sa kanya. He's blackmailing me. Hindi ko alam kung anong pinaplano nya isa lang ang alam ko ngayon, hindi ko na sya matatakasan, hawak nya ako sa leeg. Hindi ako papayag na ikalat nya ang video na yon dahil mukha ko lang ang kita sa video dahil nakatalikod sya sakin. Did he planned all of this?
Naglakad na sya palayo sakin pero agad din syang humarap at nag-flying kiss, tumawa pa sya ng malakas dahil sa ginawa nya. Napahawak na lang ako sa noo ko. Fuck, what should I do now?
SettingsX | ||||||||||
|